Ara: "Ako din!"

Bomberinas: "Kayo lang?!"

Rachel : "Wag solohin ang TEAM bonding, lovers. Tara na nga..."

Ayun. Ni try nila lahat ng facilities at activities sa Zoobic. Hapon na nang matapos nila lahat yun kaya di na daw sila matutuloy sa Ocean Adventure dahil wala ng oras. Nanghinayang naman silang lahat kasi nandun na daw sila sa Subic, ganun pa man sobrang naging masaya naman sila at mas lalong naging bonded. Not a single dull moment for the bestfriends. They enjoyed every little things they did. And they enjoyed it together. Bumalik na silang lahat sa resort at nag ayos dahil uuwi na rin daw sila ngayong gabi. Sunday bukas kaya may chance pa silang magpahinga bago bumalik ulit sa training sa lunes.

Nakasakay na silang lahat sa shuttle at pabalik na ng Manila. Aisle lang ang pagitan nina Mika at Ara kay Kim na walang katabi. Sa window side napiling maupo ni Mika dahil makakatulog daw siya doon ng maayos kasi sobrang napagod daw siya kakaenjoy sa Zoobic kanina. Napansin naman ni Ara na nakatulala si Kim kaya niya kinausap to.

Ara: *Something's bothering her. Di naman siguro tungkol kay Mela kasi last week pa sila nagka ayos.* "Pare, okay ka lang? Anlalim naman ng iniisip mo."

Kim: "Ha? Di ah.. Kaw kaya walang katabi."

Ara: "Palit tayo?"

Kim: "Kay Mika ka na lang, Vic! Please." makahulugan ang pagkakasabing yon ni Kim kaya nagtaka naman si Ara. *hala! Ba't ko ba nasabi yun?*

Ara: "Ano ang ibig mong sabihin?" tiningnan ni Ara ang iba pa nilang teammates kasi ayaw niyang may makarining ng usapan nila. "Pare, alam mo namang..."

Kim: "Ah. Ang ibig kong sabihin, diyan ka na lang sa tabi ni Mika kasi ayokong tumabi sa kanya. Ang likot niya kayang matulog.."

Ara: "Ang hard mo naman kay Daks. Hahaha. Tama ka, pero hayaan mo na.. Mahal ko pa rin to kahit malikot, batugan, minsan immature, kadalasan pikon, palaging gutom..." tumigil si Ara sa pagsasalita

Kim: "Oh tapos? Ano pa? Ipagpatuloy mo.."

Ara: "Kahit..."

Kim: "Kahit?"

Ara: "Kahit di na siya akin."

Naalala na naman ni Ara lahat ng pinagdaanan nila ni Mika. Hindi niya pa rin maiwasang masaktan. Na realize ni Ara na wala naman talagang nag bago. Mahal niya pa rin ito. Pero di na yun makakabuti para sa marami.

Kim: "Bakit hindi mo balikan?"

Ara: "Hindi na pwede. Mahal ko si Ria."

Kim: "Pero mas mahal mo pa rin si Mika?"

Ara: "Siguro oo, siguro hindi din. Ewan ko ba. Basta happy na ko sa ganito pare. Walang nasasaktan."

Kim: "Sana nga wala ng masasaktan.."

Ara: "Alam mo? Lagi mo kong pinapa confuse. Palaging may double meaning lahat ng sinasabi mo."

Kim: "Paniwalaan mo na lang kung saan sa dalawang meaning ang gusto mong paniwalaan."

Ara: "Malalim ka pa sa Pacific Ocean! Imba ka talaga pare."

Kim: "Kim Fajardo yata to!" at nag apir silang dalawa. Kahit papaano gumaan ang loob ni Kim. Nagkwentuhan pa sila ni Ara dahil pareho silang hindi makatulog sa biyahe. Bigla namang nagvibrate ang kanyang phone sa kanyang bulsa. Kinuha niya naman yun agad, baka daw kasi si Mela na yun. Medyo na disappoint naman siya kasi kay Cienne galing ang text.

from: Ciennang

Sana nmn pauwi na kayo Kimtot. Eastwood tau. Papakilala ko na sa inyo si Gayle. Please nmn. Dretso muna kayo dito sa bhay. Sbay taung pumunta dun. PS. tayong bullies lang. Ayoko ng mga manloloko dun. Kilala mo na cguro kung cno ang mga tinutukoy ko.

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang