Chapter Twenty-Eight (Edited)

Start bij het begin
                                    

I can feel how miserable she is right now and so am I. Sobra 'kong pinagsisisihan yung gabi na ipinagtabuyan 'ko siya. Nagkamali ako noong mas inintindi 'ko yung galit na nararamdaman 'ko kaysa sa kanya.

Alam 'ko na sobra 'ko siyang nasaktan kaya lahat gagawin 'ko para makabawi ako sa kanya. Kung kinakailangan na ako naman ang manuyo sa kanya, gagawin 'ko para lang bumalik siya sa akin.

"Jade, mahal na mahal kita pero ang sakit-sakit na."

And my heart was broken once again.

(A/N: There will be switching of POVs here. Gusto ko sana kay Jade lang kaya lang ang hirap. Lol. Peace)

Althea's POV

"Isa pa ngang vodka dito!" I shouted with my slurry voice.

Kanina pa 'ko umiinom at ramdam na ramdam 'ko na yung lakas ng tama sakin ng alak pero wala akong pakialam. Gusto kong maging manhid kahit sa ganitong paraan lang. Gusto 'ko munang takasan lahat ng sakit kahit sandali lang. Gusto 'ko muna kalimutan ang lahat kahit alam 'ko, paggising 'ko, babalik ang lahat.

This was my daily routine since that day.

The day I died once again.

Dapat nga sanay na 'ko sa ganito pero hindi. Ilang beses na 'kong nasa ganitong sitwasyon pero ganito pa din.

I wonder what I did wrong.

Ironic isn't it?

Parang kahapon lang sobrang pasasalamat 'ko sa mga bagay na meron ako kahit wala naman akong ginagawang tama. But here comes the time when you're wondering otherwise. Tinatanong mo naman yung sarili mo kung ano bang nagawa mong mali para mapunta ka sa sitwasyong ganito.

Life's really complicated.. And a bitch.

"Miss, mukhang lasing na po kayo. Pasensya na po pero hindi 'ko na po kayo mapagbibigyan."

Pucha. Hanggang dito ba naman? Quota na ah.

"Tinatanong ba kita? Ano ka ba dito?" I sarcastically retorted. Nagsisimula ng uminit ang ulo 'ko. I don't want to cause any trouble but this bartender is starting to get into my nerves.

"Miss, pasensya na pero hindi na po talaga pwede. Na sobrahan na po kayo sa alak. Umuwi na lang-" He wasn't able to finish his sentence when I slammed the glass on the counter which made him flinched.

Nararamdaman 'ko yung bubog sa palad 'ko at ang pag-agos ng dugo but I couldn't care less. Mas masakit pa yung inabot 'ko dito three days ago.

"Wala kang paki-alam. You'll give me another shot o babasagin 'ko tong bote sa ulo mo?" I'm no longer in control of myself. Parang anytime, sasabog ako. Lahat ng inis, frustration, lungkot, galit, disappointment, parang sabay-sabay kong nararamdaman ngayon. Idagdag pa ang alak sa sistema 'ko.

"M-Ma'am, huminahon po kayo. Tatawag po ako ng gwardya kung ganyan po kayo." Tila ba nagpantig ang tenga ko narinig. That's all I needed to hear para sumabog ang galit sa loob ko. My mind went into chaos and my body got a life of its own.

Wala na 'ko sa sarili.

Parang nabuhay na naman ang demonyo sa loob 'ko.

Find Your WayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu