Dear Future President (Special)

52 6 10
                                    

SPECIAL STORY:
Written before the 2016 election.
Irrelevant na ngayong year, so okay lang kahit hindi na ninyo basahin.

Dear Future President,

Alam mo, hindi ko alam kung bakit ko ba sinusulat 'to basta't kusang nagtitipa ang aking mga daliri. At mula rito'y ilalabas ko ang lahat ng opinyon at katotohanan na bumabalot sa politiko.

Bago ako magpatuloy, nais kong mag-iwan ng dalawang katanungan.

Para sa mga botante: Magkano ang gusto mo?

Para sa mga kandidato: Ilan ang bibigyan mo?

Oo. Alam kong mula sa aking mga katanungan, alam mo na ang nais kong ipahiwatig. Na karamihan (hindi lahat) sa mga botante, e, nagpapaka-BOBOTANTE para lang sa maliliit na halaga at luho. At dahil doon, nababahala ako.

Pero, mas lalo akong nababahala dahil halos karamihan sa mga kandidato, e, handang bigyan at sulsulan ang buong-sambayanan para lamang umangat ang ngalan sa bawat naitatalang survey, at para tumaas din ang tiyansa ng pagkapanalo.

Naiintindihan ko ang bawat punto li vista nang parehong panig.

IF I WERE A BOBOTANTE: Yes, tatanggapin ko ang alok na isang-libo, cell phone, o 'di kaya'y mga damit na may naka-print na pangalan at mukha ng kandidatong sumulsol sa akin. Tatanggi pa ba ako? Bawal nga raw kasing tumanggi sa grasya. SUBALIT, grasya bang maituturing ang isang bagay na alam mo namang hindi nagmula sa mabuting paraan? Oo, alam ko ang pakiramdam ng bawat-isa. Ng bawat botante. Alam kong karamihan sa atin ay kapos-palad, pero hindi paraan ang pagtanggap ng luho upang umangat. Isipin mo na lang, kung tatanggapin mo ang luho, at makakakain ng tatlong beses sa loob lamang ng ilang araw, ang kapalit ay ang anim na taong paghihirap at paghuhukahos ng mga Pilipino at ng Pilipinas. PERO, kung hindi ka magpapadala at titiising huwag makakain ng tatlong beses sa loob ng ilang araw, kapalit ng anim na taong puno ng kasaganahan at hatid sa buong bayan at mamamayan ay pag-unlad at pag-asenso, dapat mo pa bang ipagpatuloy ang pagiging isang BOBOTANTE? O magiging matalino ka kahit 'once in your life' lang?

IF I WERE A CANDIDATE FOR PRE'SHIT'DENTE: Of course, not. Hindi ako bibili ng boto. Pero handa akong magsinungaling. See? Paniniwalaan mo ba ang isang tulad ko? Aba'y marapat lang na oo, dahil sangkaterbang sikat at kilalang personalidad ang siyang binayaran ko para i-promote ako. Pera ko naman 'yung ginamit ko, hindi mula sa kaban ng bayan. Uulitin ko, sinungaling ako. Biro lang. Kapag naging presidente ako, gaganda ang Pilipinas.

Seryoso? Ilang presidente na rin ang nagdaan at ilan sa kanila ay hindi gaanong nagampanan nang maayos ang pag-upo sa trono sa haba ng kanilang termino.

ULIT! ULIT!

Dear Future President,

Sana man lang lahat ng pangako at pinagsasatsat mo sa harap ng maraming Pilipino, e tuparin mo. O kaya, kahit ilan na lang sa dinami-dami mong 'Kapag ako naging presidente...'

Ang pagiging presidente ay isang napakabigat na tungkulin. Hindi lang 'yan pagiging president ng isang club, o 'di kaya'y sa classroom ninyo, kaya sana naman huwag kang hayahay. Hindi lang naman buhay, karangyaan, at kalayaan mo ang pinangangalagaan mo, kun 'di pati na rin ang sa pamilya mo, este, pati na rin ang sa buong Pilipinas. Sa lahat ng Pilipino.

Teka, sino nga kaya ang deserving para sa titulong '2016 President'?

Iyon bang Nognog pero matulungin?

Iyon bang 'Tuwid na Daan' ang ilalatag?

Iyon bang handang mapunta sa impyerno para lamang maramdaman natin ang paraiso?

Iyon bang komiko pero matalino?

Iyon bang hindi purong Pilipino pero may puso?

O baka naman wala sa nabanggit?

SilhoutteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon