Kabanata 30: Second Attack

13.2K 341 311
                                    

Not Edited.

SYRA

Hindi ito ang unang beses ko makakita ng isang taong pinatay mismo sa harapan ko o taong mismong pinatay ko. Napabuga ako ng hangin habang napag-mamasdan ko ang lalaki na umaagos ang dugo nito mula sa ulo hanggang sa sahig. Namamasa na rin ang tuhod ko dahil sa malapot na dugo nya. Letse, ang lansa ng dugo nya.

Agad akong lumingon sa likuran ko, kainis! Natakasan na ako ng sniper na iyon. Agad na akong tumayo at kinuha ko ang katana ko na nakasaksak sa sikmura ng lalaki kaya lalong umagos ang dugo nito or should I say naliligo na sya sa sariling dugo.

Kung normal parin ako dati, baka ika-trauma ko pa ang nangyari at masuka na ako dahil sa pandidiri. Pero sanay na ako. Madami ng napatay ang isang katulad ko.

Pinunit ko ang dulo ng shirt ko at pinampunas sa blade ng katana ko na may bahid ng dugo. Naglakad na ako papalayo sa Underground battle field at dali dali akong lumabas rito sa UC.

Katulad ng sinabi ng lalaki, hindi si Sam ang pakay ng ibang Empires kundi mismo ang gustong pumatay rito. It means, may iba pang gustong pumatay kay Sam? Maliban sa mga sindikato? Ano kayang kailangan ng taong ito at gusto nyang patayin si Sam?

"Kainis!" napahilamos ako sa mukha ko, nalagyan tuloy ang maganda kong mukha ng dugo. Ayy, letse. Ang lansa talaga!

Kung alam ng lalaki ang sagot sa tanong ko. Na kung sino ang gustong pumatay kay Sam, alam din mismo ni Dionysus kung sino talaga ito. Ang problema nga lang? Ano at sino si Dionysus na nakakubli sa maskara nya?

Huminto ako sa paglalakad. Na-alala ko ang sinabi ni Flint na pagkatapos kong gawin ang misyon ko, agad raw akong pumunta sa Willington University.

"Gosh, may mangyayaring masama kay Sam!"

*****

KEN'S POV


Agad akong tinulak ng babaeng 'to kaya nasubsob ang gwapo kong mukha sa sahig. The fuck?!

"Shit, ang sakit nun ah?" pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko.

"Nasundan ka, Kenneth."

Agad syang kumubli sa likod ng couch. Ganun din ang ginawa ko. Tangna. Nasundan ako pa ako? Fuck, bakit di ko naramdaman?

"Humanda ka talaga sa akin babae ka mamaya."

"Aba, buti nga niligtas pa kita!"

Sinamaan nya ako ng tingin. Tinaas ko naman ang kanang kamay ko at mabilis na kinuha ang baril sa gilid. Pinaputukan ko naman 'yung gunman. Fuck. Sisirain ko ang mukha ng gagong 'yun.

"Wag ka ngang basta basta aasinta. Naka-caculate nya ang bawat tira natin."

Inirapan nya ako pero nginisian ko sya. Maton talaga ang babaeng 'to.

Agad akong lumabas sa pinagtataguan namin bago ko sunod sunod na pinapaputukan ko ang bawat paligid. Shit, pag-naasinta ko ang hayup na 'yun. Buhay nya lang ang walang latay. Tangna.

Nagulat ako ng itutok ni Melissa sa akin ang baril nya.

"Dapa!"

Agad akong dumapa at sunod na sunod syang nagpakawala ng putok.

"Tangina, muntik na ako dun ah?"

Napatalon kami sa gulat ng matamaan ako sa gilid. Damn. Mukhang di lang iisa ang kalaban namin dito.

Nawalan bigla ng kuryente kaya kinuha ko na ang pagkakataon. Hinila ko ang braso ng maton na 'to papalabas ng pad nya. Kitang-kita ko na unti-unting gumuguho ang kisame at mga pader. Mukhang planado ang lahat, lalo na ang mga taong nagkakagulo ngayon dahil may na-trap sa elevator at na trap ang lahat sa taas.

Married To A Gangster's KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon