Kabanata 26: Imputation

16.1K 436 143
                                    

Not Edited.

AGAKI

Sumisipol ako habang nakadungaw ako sa pintuan ng bodega, Yes! Walang bantay!

"Agaki!"

Napatalon ako sa gulat at napatingin sa gilid. Nakng! May CCTV cameras pala dito.

Napakamot ako sa ulo at sinamaan ng tingin ang CCTV, humanda ka talaga sa akin mamayang bakulaw ka! Nilagutok ko ang kamao ko at lumabas sa loob.

Nakita ko si Daison na nakangisi at kumakaway sa akin. Sinamaan ko lang sya ng tingin, humanda talaga sa akin ang bakulaw na 'to! Malapit ko na makuha bigla na lang mangingialam! Argh!

"Kailangan mo?"

"Paki-bigay sa amo mo."

Binato nya sa akin ang mga files na pinapakuha sa kanya ni Third.

"Di mo ba dadalawin ang kasintahan mo?"

"Gagu!"

Tinaas nya ang middle finger nya sa akin at pumasok na sya sa loob ng McLaren Vale nya. Tumawa ako, ilang taon na rin kasi sila di nagkita dahil masyadong abala si Third sa Japan.

"Nandyan ba si Hariston?" kinatok ko ang bintana sa driver's seat. Kahit tinted 'to nararamdanan ko ang presensya nya.

"Tulog.."

"Ahh."

Tumango-tango naman ako. Minsan di ko masabayan ang trip ng Dark Monarch lalo na si Third na masyadong ma-sekreto.

"Alis na, Istorbo ka!"

Ngumisi sya at pina-andar ng mabilis ang sasakyan nya. Gago talaga ang bakulaw.

Tinitigan ko ang files na hawak ko at iisa lang ang naiisip kong laman nito.

Tungkol na naman kay Samantha.

Halos ilang taon ko ng kasama si Third sa Japan, wala parin ako ideya sa kung anong meron o ano ang hitsura ng Samantha na kinababaliwan nya. Maganda kaya 'yung babae na iyon?

Inayos ko ang suot kong hood at naglakad ako papasok ulit sa bodega. Tinignan ko ang mga CCTV cameras na nakakalat sa buong warehouse. Maingat talaga ang gago lalo nang parte sya ng gang.

Kinuha ko sa isang lalagyanan ang control key at pinindot ang button. Ayos! Maganda ang kotse na ito! Fuck!

Tinignan ko ang kabuuan nito, Lamborghini Benz.

Napangiti ako, "Makukuha na din kita!" sabay sakay sa loob.

Pinaandar ko agad ang kambyo ng sasakyan at mabilis na umalis sa bodega. Tangina, sarap talaga pag-may ganitong sasakyan!

Pagkadating ko sa headquarter, inactivated ko ang voice code at kusang bumukas ang gate. Agad ko naman pinaharurot ang Lamborghini ko hanggang tumapat ito sa main door ng HQ. Ang tahimik.

Bumaba ako mula sa loob, nakita ko ang tatlong tauhan nya sa labas na agad naglabas ng deadly weapons.

Itinaas ko ang kamay ko bilang pag-suko, "Inosente ako mga dude!"

"Hinihintay ka.."

Nakahinga ako ng maluwag. Mukha namang kilala na ako ng mga ito. Woah! Muntik na ako atakihin sa puso dahil sa mga hawak nila!

Pumasok na ako sa loob at bumungad sa akin ang maraming devices at system ang nakakalat sa bawat sulok ng headquarter. Takot na takot ang gago na mapatay ah? Tsk.

Tumungo ako sa opisina nya kung saan nya ginagawa ang trabaho nya at natambay. At pagbukas ng pinto, isang babaeng naka-balot ng balabal sa mukha at tanging mata lang nya ang nakikita ang bumungad sa akin.

Married To A Gangster's KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon