Project #8 - The Quest

4 0 0
                                    

"WHAT? HINDI TALAGA SIYA NAG-AUDITION DITO SA CONTEST?"


Katatapos lang ng rehearsals namin. Pero ngayon, isang sobrang laking question mark ang nasa utak ko at as in di ako makapaniwala sa nalaman ko. Both Charlie and Shannon stare at me in shock. Narinig ko ang pinag-uusapan nila sa may patio ng Cloud Entertainment dahil sinundan ko sila. Hindi ko napigilan ang sarili ko sa nalaman ko kaya I showed up on them, well yes I was eavesdropping earlier.

"Ms. Bianca huminahon po kayo baka marinig kayo sa loob." Shannon says while pulling me with my arm to get away from the people who can hear.

"Anong sabi mo? Hindi siya nag-audition?" tanong ko kay Shannon.

Charlie, who is surprised to my reaction, tries to clarify things. "Wala kong choice. Si Andrei dapat yung nandito pero etong si Shannon yung nag-kinumbinse sa 'kin na pumalit sa kanya."

I can see on Shannon's expressions that she wants to deny everything pero naunahan na siya ni Charlie.

"Wait. Alam ba 'to ng producers? How about Franco?"

"Charlie pwede iwan mo muna kami ni Ms. Bianca. May ipapaliwanag lang ako sa kanya."

"Well kung ganun pala, may chance pa ba para pabalikin yung Andrei na nag-audition? Or palitan si Charlie?" deretsahan kong tanong kay Shannon.

"Shhhh!" pinatahimik niya ako at dinala sa isang tagong sulok.

"'Di alam ni Sir Franco yung tungkol dito. Ayoko pang mawalan ng trabaho Ms. Bianca." makaawa niya.

"So ano nga? Pwede ba 'yun?"

"Charlie would not be approved kung walang nakitang potential sa kanya si Sir Franco. For me, he looks promising." she convincingly says.

"Sinasabi mo lang 'yan dahil wala na kong choice ganun ba?"

"Malapit ng i-launch yung show. Kung tutuusin wala nang atrasan dahil naka-set na po lahat. Nakapag-presscon na tayo. Kaya wala na po akong magagawa." she says it like we are stuck on a dead end.

"Eh kung sabihin ko kaya mismo kay Franco." I suggest as if it is very bright idea.

Shannon is almost pleading in front of me. "Ms. Bianca naman. Wala naman pong ganyanan."

"You think tatanggapin ko na lang 'to?"

"Ms. Bianca ituloy na lang natin 'to please." She holds my hand.

"Hindi ako papayag. Pupuntahan ko si Franco." I resist.

"Ano po bang ayaw niyo kay Charlie?"

"Yung track suit niya. Mukha lang siyang kakagaling ng jogging sa circle."

"Ho?"

"Basta."

Naglalakad ako papaalis sa kanya. I storm papunta na sana kay Franco pero biglang nakasalubong ko si Helena pagliko ko sa corridor. Kung hindi ako nagkakamali mukhang nakita niya yung pag-uusap namin ni Shannon.

"What's going on?"

"Ha?" sa pagkashock ko wala kong nasabi kaagad. "Wala ah. I'm just clearing something about Shannon. Regarding sa schedule." I try my best to look composed.

Tumingin din ako kay Shannon para bigyan din niya si Helena ng assurance. At dahil mistulang pilit na yung pag-nod niya, lalong hindi na-convince si Helena.

"I want to remind you that this is a contest, not a game you can just play depending on the rules you wanted."

I think she smells that there's something fishy going on. Hindi na ko nakapagdahilan ulit. Bigla na lang unti-unting umalis si Shannon at ang assistant ni Helena para iwan kami.

The Boyfriend ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon