CHAPTER 15.9- One Rainy day (what happened after)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Talaga?! aray naman. Nalaman mong taken na yung gusto mo kanina lang tapos nasuntok ka pa..tsk..sorry huh..dumagdag pa ako sa problema mo."

"No..actually I'm glad we met. Isa pa, kahit naman nalaman kong taken na siya, hindi parin naman ako susuko eh. Hindi pa naman sila kasal kaya baka may magagawa pa ako."

"Haha. Ou nga no?! optimistic mo naman masyado! Sabagay magandang outlook yan sa buhay! Go lang, sa gwapo mong yan chef nako keribels mong maagaw yun no!"

"Sa tingin mo?! pero hindi ba mali yung mang agaw?!"

"Sa tingin ko lang huh, kung sakali mang maagaw mo yung babae, sa tingin ko hindi mo na kasalanan yun. Kasi kung mahal talaga nung babae yung boyfrend niya, hindi mo siya maaagaw. Kaya I think hindi naman masama yung plano mo, susuportahan kita chef!! agawin yang babaeng yan!"

"You really think so?! susuportahan mo ako?! talaga?!" tapos super ngiti pa si chef! amps ang gwapo! magkakasala ako neto sa bf ko! ai teka, hindi naman ako magkakasala, as if naman kami talaga ni Bryle! -_-..masyado na ata akong nadadala sa pagpapanggap!

"Ou naman! susuportahan kita all the way!"

"Sinabi mo yan huh.."

"Ou naman yes.."

"Ayos, tumaas na ang confidence ko. Salamat Nash!"

"No problem basta ikaw chef!"

"Ow late na pala. I better get going."

"Ai ou nga no?! ok..gud nyt chef.."

"Gud nyt Nash."  tapos ayun inihatid ko na sya sa may pinto

.

.

Ang gwapo tlga ni Chef! Anu kayang itsura nung babaeng gusto niya?! siguro diyosa yun. Sa gwapong yun ni chef diba?! Hmm..mas gwapo kaya yung bf nung babae kesa kay chef?! hmm.. well kung anu mang mangyari, basta susuportahan ko na lang si  chef ! :)

.

.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit, humiga na ako sa kama ko. Medyo nawala na yung sakit ng ulo ko, pakiramdam ko makakapasok na naman ako bukas. Nagutom lang siguro ako kaya ako nawalan ng malay.

.

.

8:30 pm..

Hhindi ako makatulog! palipat lipat na nga ako ng pwesto eh pero hindi parin ako makatulog!

Pano naman kasi, sa tuwing pipikit ako, yung itsura lang kanina ni Bryle ang nakikita ko. Anu yun?! nakokonsensya ako?! eh bakit naman ako makokonsensya?! eh wala naman akong ginawang masama ah?! sya tong padalosdalos! ni hindi man lang ako pinagpaliwanag! bahala siya sa buhay niya! asa pang mag sorry ako sa kanya! asa!

.

.

9:30pm..

Tss! ah ah naman! Hindi parin ako makatulog! Haay..ayaw akong tigilan ng konsensya ko eh. Basang basa siya kanina. To think na nagpakabasa siya sa ulanan para lang malaman kung ayos lang ako, mukang nag-alala talaga siya sakin. aka magkasakit yun. Haay..san kaya siya pumunta?! Sana naman umuwi na siya, sana walang mangyaring masama sa kanya.. hindi ko alam ang gagawin ko pag napahamak siya ng dahil sakin..bobo pa naman yun!  haaay.. anung gagawin ko?!

.

.

10:00pm..

Waaaah! grabe na to! Kanina pa ako nakahiga ah?! Nakaka 1000+ na akong tupa, wala paring epekto! Tawagan ko na kaya siya?! eh anu namang sasabihin ko?! isa pa hindi naman ako ang mali ah! pero pano pag nagkasakit siya?! teka pakialam ko naman kung magkasakit siya?! siya naman ang nagpakabasa sa ulan ah! siya naman ang nagkusa ah! pero he did that for me, nobody cared for me that much since dad died pero ..haaaaaaaaay!!! pride o konsensya?! waaaaaaaah! ang hirap naman! 

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon