The Denial Queen. ♕ (Part 2)

148 6 0
                                        

Hay. Salamat! Last subject na to! Physics to kaya kelangan kong makinig ng maigi. Well, eto lang naman ang favorite kong subject. Hahahah. NilaLANG ko lang no!? Magaling kaya ko dito! Hahaha. (MAHANGIN ATA) 

"Okay, goodbye Class."

"Goodbye Ma'am Ramos."

"UWIAN NA RIN SA WAKAS!!!" sigaw ni Ken.

"Oyy! Pre! Dota mamaya oh. 5v5!" sigaw naman neto ni Kyle.

Grabe talaga tong mga to, kala mo nasa magkabilang bundok. Kung makapagsigawan! -.- Tsk. 

"Bes, sabay tayo umuwe." si Stef pala. Kahit kelan talaga para tong kabote!

"Oh, sure bes :)" 

 Nagjeep na kami ng bespren ko. Nang bigla nyang natanong na..

"Uy, Sam. Wala ka bang balak mag boyfriend?" B.I talaga to e! Hahaha. Joke. Napaisip nga ko sa tanong nya e.

"Hmm. Saka na siguro muna yun. Pag handa na ko, at kung may lalaking kaya ng magseryoso." sagot ko sakanya.

"Wow bes!!!!! HARD! Hahahaha. Madame naman nanliligaw sayo pero niisa wala kang sinasagot. Baka tumanda kang dalaga jan!" Loka talaga to. Ang OA kahit kelan.

"Grabe ka rin no. 4th year HIGHSCHOOL palang ako. Kaya wala munang ganyan ganyan!! STUDY FIRST!"

"Hahahaha! Ikaw bahalaaaaa. Anjan naman si anooo. Di mo pa napapansin..." ha? Ano kaya pinagsasabe ni Stef?! Ang gulo neto kausap. -.- Psh

"Sino? Duh?! Wala kasi akong time sa mga ganyan bagay." batid ko.

"Edi si Ian. Ang iyong SuperIan:">" WTF?! Si IAN?! The heck!!!! Kapatid na halos turing ko dun no.

"Hahahaha. Nakakaloko ka bes. Parang kapatid ko na nga yun e. Hahaha. Kaya tumigil ka jan!"

"Sus!!! Kung alam mo lang..." 

"Ha? Ano yun? Dko naintindihan."

"Ah! Wala. Wala. Oh. Malapit na pala tayo e. Parahin mo na." ang gulo nya kausap. WEIRD. 

"Manong, para po!" 

"Osge, bes una na ko ha? Bye ingat ka. Tanga ka pa naman." sabe ko kay Stef.

"SALAMAT HA?! Sge bye na Manhid." 

"Ha ano? Anong Mani?" nagtatakang tanong ko.

"HAHAHAHAAHAHAH. Wala. Sabe ko ang sarap ng mani. Hahhahaha. Bye na bes! Labyu!" 

KINAGABIHAN....

**ring ring**

Ian is calling...

Bakit kaya to napatawag? Hmm. Teka masagot na nga.

"Sam."

"Baket Ian? Anong nangyare sayo bakit ganyan boses mo?"

"Gusto ko mag-usap tayo." 

"Nag-uusap na tayo. Ano ka ba -.-" sagot ko.

"I mean, magkita tayo. Sa personal tayo magusap." sagot nya. Baket kaya? Omg. Kinakabahan ako. Ano bang meroooon? Bat ganyan sya? Di ako sanay,

"Saan?"

"Sa Park, tutal malapit lang kayo dun." sagot nya. Sobrang serious ng boses nya :( Katakot.

"Sge, hintayin mo ko dyan."

Buti nalang walking distance lang. Naglakad na ako ng mabilis. At nakita ko na yung motor nya. Teka. Teka. Bat motor gamit neto?! Minsan nya lang yan gamitin e. Madalas kasi kotse gamit kasi may student license naman sya. May naffeel talaga kong kakaiba dito kay Ian ngayon. Huhuhu.

The Denial Queen. ♕ ‏(TDQ)Where stories live. Discover now