The Denial Queen. ♕ ‏(Part 3)

154 15 10
                                        

(SAM'S POV)

Halos magttwo months na syang di nagpaparamdam. Simula nung nangyare sa bahay nila. Nakwento ko kay Stef ang lahat ng nangyari samin dun sa bahay. Nainis ako na ewan kay Ian dahil sa ginawa nya pero... tangina. Bat sobrang lungkot ko nung di sya nagpaparamdam?! ULTRAMEGASHIT! NAMIMISS KO BA SYA?!!!! Ano ba toooo. Stop! Stop! 

"Di ka lang sanay, Sam. So stop it na." oh diba, kinakausap ko na yung sarili ko. Dahil nababaliw na talaga ko konting konti nalang.

"Hoy! Ano ba yang pinagsasabe mo?! Bulong ka ng bulong.'' sabe ni Ren. 

''Ay, sorry." batid ko sa aking katabi. Tulala lang ako habang nagkklase. Lutang na lutang ako. Kahit halos dalawang buwan na ang nakalipas. Kamusta na kaya si Ian? Okay na kaya sya? Gusto ko syang makita. Matagal tagal na rin kasi kami di nagkikita. Para bang iniiwasan nya ko? Huehuehue. :((((( WHAT TO DOOOOOOOOOOOOOOO!!! Alam ko na kausapin ko nalang si Stef about this, baka may advice sya.

"Hey, Stef!"

"Yow!"

"Uhm. Stef kasiii....."

"Ano? namimiss mo sya?" Wow. Connected talaga kami netong si bes. Alam nya na agad iniisip ko palang.

"Oo bes. Sobra :(" 

"Sabe na e, denial ka lang e! Mahal mo naman talaga yung tao ikaw lang tong pakipot!!! Medyo tanga ka talaga Samantha!" sermon nya. Feeling ko nga tama si Stef. Tama sya na mahal ko din si Ian, pero dinedeny ko lang sa sarili ko. 

"Siguro nga bes, tama ka." 

"OMG BESS!!!!!!! KUNG AKO SAYO, SINASABE KO NA YAN KAY IAN. KASI BAKA MAY MGA MAKAKATING BABAE ANG UMAALIGID KAY IAN! BAHALA KA MAUNAHAN KA PA! SA GWAPO NI IAN NA YUN?! Di imposibleng habulin yun ng mga babae no!"

"Ehhhh. nahihiya ako sakanya. :( Lalo na sa mga nasabe ko sakanya nun."

"Oh no! Bes. I think kelangan mo na talaga mahiya kasi....."

"Kasi ano?!"

"Kasi may girlfriend na sya? Look oh! Si Monique ata yun" Sabay turo nya sa dalawa. Na sobrang sweet. Ang sakitttt. Ganto pala yung feeling... Ganto pala yung feeling na may mahal ng iba yung taong mahal mo. :((( Sakit. Putangina. Gusto ko humagulgol sa iyak. Bigla nalang ako niyakap ni Stef. Alam nya na siguro nararamdaman ko, at yun na di ko na talaga napigilang umiyak. Ang sakit sakit sakit kasi. Sobrang naging tanga kasi ako. Sobrang manhid :((

"Sam, tahan na."

"Shet Stef! Ang tanga ko!!! Ako tuloy yung nasasaktan ngayon sa mga nakikita ko!! Ang sakit. Grabeng sakit." wala pa ring humpay yung pagiyak ko.

"Shh. Tahan na Sam. Kaya mo yan."

"SANA NGA KAYA KO BES"

KINAHAPUNAN...

Medyo okay na yung pakiramdam ko sa pagcomfort sakin ng aking bespren, kahit masakit pa rin talaga. Eto ako naglalakad mag-isa sa hallway. Nang biglang may nakasalubong ako na dko inaasahan... Aba!!! Talaga naman, ano bang problema netong babaeng to?!

"HOY!!! KUNG MAKA-IRAP KA HA! ANO BANG PROBLEMA MO, MONIQUE?!"

"Problema ko? Omg. Wala akong problema. Baka ikaw?!" malandi nyang sagot

"Alam mo wag mo ngang binabalik sakin yung tanong!!! Konting konti nalang makakatikim ka na talaga sakin." di mo ata alam sadista tong katapat mo.

"Oh talaga lang ha? Yaan mo may mag TATANGGOL naman sakin e, if ever na saktan mo ko. At si IAN yun!!! E sayo ba meron?! Diba wala?! Wala!! Kasi Foreveralone ka, bitch."

"AT AKO PA TALAGA ANG SINABIHAN MONG BITCH?!!! BAT DI KA KAYA TUMINGIN SA SALAMIN PARA MAKITA MO ANG TUNAY NA BITCH!" ginagalit na talaga ko netong malanding haliparot na to e!!!!

"Whatever, Samantha. If I know, nagseselos ka lang sakin kasi na sakin na yung pinakamamahal mong si Ian. Back off, bitch. He's MINE!!" 

"Tangina mo talaga e no?!" Sa sobrang inis ko sinabunutan ko na talaga sya! Di nya ata kilala tong kinakalaban nya. 

"Ahhh!!! Samantha!!! Stop it!! It hurts!!!" sigaw nya sakin

"Stop it mo mukha mo!!!! ANG LANDI LANDI MO!! HA. BICTH BA?!!! E TANGINA IKAW ATA YUN?! TARANTADO KA RIN E NO! GINALIT GALIT MO KO E! KAYA BAHALA KA JAN SA BUHAY MO!!!" sinasabunutan ko pa rin sya dko pa rin sya tinitigilan. Pero bakit parang may humablot ng kamay ko? Kaya bigla akong na- out of balance sa sobrang lakas nya. Shit...

si Ian pala...

"TUMIGIL NGA KAYO!!!!" natatakot ako kay Ian. Sobra yung galit nya. Grabe yung titig nya sakin.

"ANO BANG GINAGAWA MO SAMANTHA SA GIRLFRIEND KO?! HA?! INAANO KA BA NYA?!!" sigaw sakin ni Ian. Nagulat ako sa sinabe nya. Please luha, wag kang traydor. Wag kang tutulo, please lang.

"I-Ian di akoo yung nag-....."

"ANO PA BA ANG GUSTO MO?!! DI KA PA BA MASAYA?! DI BA ETO NAMAN ANG GUSTO MO. SAKA KUNG PWEDE LANG LAYUAN MO SI MONIQUE, DAHIL WALA SYANG GINAGAWANG MASAMA SAYO! LAYUAN MO KAMI!! HAYAAN MO NAMAN AKONG MAGING MASAYA, SAM!! KAHIT MINSAN LANG. AYOKO NG MAGING TANGA PA SA ISANG MANHID NA TULAD MO!"

"MAHAL KITA IAN!! OO NAGING MANHID AKO PERO PINAGSISIHAN KO YUN!!! AKALA MO BA IKAW LANG YUNG NASAKTAN?! NASAKTAN DIN AKO!! AKALA MO BA IKAW LANG TONG NAGING TANGA?! OO NAGING TANGA AKO! NAGING TANGA AKO DAHIL DI KO NAPANSIN YUNG LALAKING LAGING NANDYAN PARA SAKIN NA HANDA AKONG PROTEKTAHAN!! YUNG LALAKING HINDING HINDI AKO PAPAIYAKIN O SASAKTAN! AT DI KO NAPANSIN NA MAHAL KO NA PALA YUNG LALAKING YUN NA BIGLA NALANG NAWALA SAKIN, DAHIL DINENY KO SA SARILI KO YUNG NARARAMDAMAN KO SAKANYA!"

Galit na galit kong sabe ko kay Ian. Sobrang nasaktan talaga ako sa mga sinabe nya sakin. Humahagulgol na pala ako sa iyak habang kausap sya. Nagulat sya sa mga sinabe ko, pero di pa rin mawawala yung galit sakanya. Kitang kita ko sa mata nya ang sakit, hinanakit at galit nya. AT ANG SOBRANG NAGPAIYAK SAKIN AY NUNG SABIHIN NYANG...

"ITS TOO LATE, SAMANTHA. MAY MAHAL NA KONG IBA." 

Halos gumuho ang mundo ko sa sinabi nyang yun. Halos malaglag yung puso ko sa lupa sa sobrang sakit ng sinabe nya. MAS MASAKIT PALA KUNG SA TAONG MAHAL MO MISMO NANGGALING YUNG MGA SALITANG YUN. YUNG HALOS AYAW NA TUMIGIL NG MATA MO SA PAG-IYAK DAHIL DUN. NA SOBRANG GALIT AKO SA SARILI KO DAHIL PAGDENY KO SA SARILI KO NA MAY FEELINGS NA PALA TALAGA KO SAKANYA!!! ANG SHIT LANG!!! ANG SAKIT TALAGA. :"( ANG SAKIT ISIPIN NA SA ISANG IGLAP LANG NAWALA YUNG TAONG MAHAL KO AT YUNG TAONG MAHAL NA MAHAL AKO..... DATI.. :(

                                                                                **THE END!**

SANA NAGUSTUHAN NYO GUYS! FIRST STORY KO YAN. SORRY KUNG PANGET HA, DI PA KASI AKO SANAY E. ALAM NYO NAMAN GIRL FIRST TIME ANG PEG KO NGAYON. LEAVE NALANG KAYO NG COMMENT AND VOTE NA RIN. HEHEHE. THANK YOU!!! :)

The Denial Queen. ♕ ‏(TDQ)Where stories live. Discover now