"Nath, kumalma ka nga."




"Pano ako kakalma kung alam kong niloloko na lang naman talaga sya ni Ez!"



Nilingon ko si Abbi na napatingin din sa rearview mirror. "What do you mean? Wala pang--"



"Totoo naman kasi lahat ng sinasabi ni Kuya Dylan. Nakita ko rin mismo si Ezra na may kasamang lalake. Magkahawak sila ng kamay sa isang coffee shop!"



"What?! Kelan mo pa alam? Bakit di mo sabihin sakanya?!" nanggagalaiting tanong ni Abbi.



"Last week ko lang nakita. Nung lumabas kami ni Jana.. Hindi namin makunan ng picture or video kasi mahahalata kami, e. At kung sasabihin ko kay George, tingin mo ba paniniwalaan nya kami ni Jana? Ni hindi nya nga kayang maniwala sa kapatid nya."



"Bad trip talaga yang Ezra na yan! Dati naman ay okay sya, ah? Anong nangyari don?!"



"Hindi ko rin alam.."




Tahimik lang kami ni Jana sa naging paguusap ni Nath at Abbi. Bigla na lang akong nainis bigla.. Ngayon pa lang tingin ko hindi ko magugustuhan si Ezra.



Dumating kami sa bahay pero wala pa si Daddy at naghahanda pa lang ng meryenda sila nanay Santa kaya umakyat muna kami sa kwarto.



Nagkukwentuhan kaming lahat ng dumating na sila George. Tahimik lang silang tatlo na nakisali sa amin which was weird. Tinawag na kami ni Nanay dahil handa na daw ang mesa at nasa kwarto na si Daddy para magbihis.



Nahuhuling maglakad si G kaya nagpahuli rin ako. "Hey. Are you alright? Something's up?"


She just looked at me. "Wala naman. Mamaya ko na sasabihin."




Nagkwentuhan at nagtawanan kami sa harap ng hapag. Hindi against si Dad sa mga ganito at open-minded sya. Pinangaralan pa nya kami sa lahat ng limitasyon namin at pinabakuran na nya ako sakanila.



"Dad! Nakakahiya!"



"Oh, ayaw ng prinsesa kong pabakuran sya. Why? Are you dating someone?"



Nagtawanan naman silang lahat samantalang ako ay nakasimangot na.




"Dad, ha? Stop it.."




"Why, anak? Mabuti na yong sigurado."



Nagkwentuhan pa sila saglit nang magpaalam na si Dad sa amin.. May meeting pa sya sa Manila at babalik sya bukas sa California.




Lahat kami nagtungo sa pool area dahil may paguusapan daw kami. "Guys. I need your help." paumpisa ni G.



"Para sa anniversary nyo ni Ez?"



Ngumiti ito at tumango..




"Inaway ka na nga at lahat kanina--"



"Sarah." pagpigil ni G sakanya.



"What? Bakit ba kasi pinag-aaksayahan mo pa yan ng oras? Alam naman na natin lahat, e. Nagbubulag-bulagan ka na lang."



Ramdam namin ang tensyon pero nanatili kaming kalmado. Maging si G ay hindi pinatulan ang sinabi ni Sarah.




"San ko sya pwedeng isurprise? Anong pwede kong iregalo? Kinakabahan kasi ako, e. Baka pumalpak ako sa anniversary namin."



Ngumiti ako.. "Ano bang naiisip mong gawin?"



Pinagplanuhan namin ang gagawin nya sa anniversary. Actually, kaming dalawa lang ni G dahil hindi nakikisama ang barkada.




"Thank you, small letter D."




"No worries. Basta para sa mga kaibigan ko.."



I watched them disappear from my sight. Habang papasok ako sa kwarto ay tumunog ang phone ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa nabasa ko.. Hindi ko alam pero para bang may kung ano akong naramdaman. It somehow made me happy.



From: Big Letter

Thank you so much for always, small letter. For always making me happy and for supporting me in anyway that's possible. I'm lucky to have you by my side, Niña Dennise. Don't get tired of me and never leave me.. :) Good night! ❤

My First LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt