My First and Last Dance

9 1 1
                                        

Ano nga bang susuotin ko?

Nagmukmok ako sa kama ko at tumutok sa cellphone ko at nagfacebook.

Scroll down lang ako ng scroll down hanggang sa may makita akong post.

POST NG CRUSH KO!

Ay mali! MAHAL KO NA PALA.
Masyado na nga kasing lumalim ang pagtingin ko sa kanya.

Tinitigan ko ang mukha niya.

Napaka gwapo mo talaga ...
Mula sa singkit na mata at bababa sa ilong na hindi naman gaano katangusan pero okay lang, dahil hindi mo masasabi na pango siya at ang kissable na lips niya.
Napaka Perfect niya talaga for me.

Nagreready na siya ngayon para mamaya.

Agad kong sinave ang picture niya at lumabas ng kwarto.

---

"Ma! di na ako aatend sa prom." Matamlay na sabi ko at binagsak ang sarili sa couch dito sa sala.

"Bakit naman!? Papunta na rito ang mag-aayos sayo. Yung gown mo nakapag arkila na ako!" Sigaw ni mama sa akin habang nag wawalis. Kahit walang dumi lagi yang nagwawalis eh.

"Kala ko ba wala tayong pera??" tanong ko.

"Niloloko ka lang ng ate mo kanina. Mag ayos ka na! Anong oras na baka malate ka pa!"

Tumayo na ako at tumakbo sa kwarto. Naligo lang ako at nagbihis bago bumalik sa sala namin. Sakto nanduon na ang mag aayos sa akin.

----
"Ayan!! ang cute mo naman pala eh haha wag lang sisimangot ah! baka pumangit ka bigla niyan." Biro sa akin ng baklang taga ayos ko. Natawa naman ako.

"Hahaha opo ma alis na ako" paalam ko.

"Sige mag ingat ka ah susunduin ka nalang ng papa mo " sagot ni mama.

Tumango lang ako at tumayo na. Hinatid nila ko sa labas at sinakay sa tricycle.

Pagkahatid sa akin ng tricycle sa school. Dumeretso na ako sa entrance, masyado ata akong kabado ngayon.

Nakita ko ang mga schoolmate ko na may kanya kanyang partner.
Buti pa sila ... may mga nag aaya.

Huminga ako ng malalim at naglakad na.

Today, Im just a simple girl wearing a red long gown.

Tapos maglalakad ako sa red carpet ng mag-isa? Napakamalas.

"Ang sakit!" - bulong ko. Umupo ako sa bench dito sa gilid. Tinanggal ko ang 4 inches heels ko. Grabe first time kong magsusuot ng ganto. Once in a year lang naman ang JS kaya sulitin mo na. Meron pa naman next year kasi 3rd year palang naman ako ngayon.

"Kailangan ko ng magandang partner"

Gulat akong napatingin sa nagsalita.

"I-ikaw pala Jiro" Sabi ko sa ex ko. kaibigan ko na ngayon.

"The one and only" nakangiting sagot niya.

Nilahad niya ang kamay niya sakin. Kinuha ko naman yun. Habang naglalakad kami eh nagtanong ako sa kanya. Di ko Na kasi siya kaklase eh.

"Nasan nga pala ang Girlfriend mo?" Tanong ko.

"Yun ba? Kasama niya yung mga kaibigan niya eh." Sagot naman niya.

Ang sarap ng feeling kapag dumadaan ka sa Red carpet ano? Dati pinangarap ko ang maglakad sa red carpet kasama ang lalaking to pero ngayon iba na yung nasa isip ko. Hindi nga lang siya atleast itong lalaki naman na ito ay naging part na din ng Buhay ko.

"Salamat sa pag partner Hera. Mamaya ah" sabi niya at iniwan na ako.

Kung tatanungin niyo kung nasaan ang mga kaibigan ko. Wag niyo na sana ituloy iniwan na nila ako simula ng malaman nila na yung lalaking gusto nila eh.
Crush ko rin. Hindi ko naman kasi akalain na ganon ang mangyayari.

My First and Last Dance (Short Story)Stories to obsess over. Discover now