"Tama na 'yan," si Claire. "Ano bang pinag-aawayan niyo? Si Xander? Ang babaw ha! Tumigil kayo kundi kukutusan ko kayo pareho!"

Nakita kong pabalang na inalis ni Gen 'yung kamay ni Claire sa balikat niya. "I'll be watching you. Sinasabi ko na sa'yo, 'wag na 'wag mong idadamay si Xander sa mga kalokohan mo. Kundi, ako mismo ang kakalbo sa'yo." aniya pa saka umalis.

"Problema nung kaibigan niyong 'yun?" inis na tanong ko sa dalawang naiwan.

Nagkibit balikat si Calire. "Malay ko, nagkaganyan lang naman 'yan nung na-reject siya ni Xander na maging partner e."

Ngumiti ako ng mapait. If I know, may gusto lang talaga siya kay Xander kaya siya nagkakaganyan. Sorry na lang siya, babagal-bagal siya e.


~*~


"Nag-isip ka man lang ba?" cool na cool na tanong ni Xander matapos basahin 'yung naisulat ko sa notebook ko.

Time namin ngayon sa PPM kaya naman 'yung research talaga ang pinagtutuunan ng pansin nga lahat.

"Oo naman, sumakit kaya ulo ko dahil 'dyan!" naka-nguso pang sagot ko.

Dalawang oras ko ring tinitigan 'yung notebook ko kahapon. Kung anu-ano pang na-drawing ko saka ako nag-come up sa naisulat ko. Hinalukay ko na 'yung utak ko at 'yun lang talaga ang kinaya. Kasalanan ko pa ba 'yun?

"Ah okay. Pinag-isipan mo na pala 'to ng lagay na 'to," aniya habang nakatingin pa rin sa notebook ko.

Tinignan ko 'yung mukha niya. Galit ba siya? Asar man lang? Ano ba? Ahayyys!

"Nagagalit ka ba?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin. "Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ganitong gawa?" itinaas niya pa 'yung notebook ko pero cool na cool pa rin siya.

"So, galit ka nga?" nag-aalangang tanong ko.

Hindi siya sumagot at kinuha lang 'yung notebook niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ang hirap mo namang basahin! Kabanas!" asar na sabi ko.

Tumingin siya bigla. Inulit ko 'yung sinabi niya at ginaya ko pa 'yung tono ng boses niya pati 'yung ekspresyon ng mukha niya na wala naman talaga.

"Dapat bawat sabihin mo dadagdagan mo ng 'galit ako' o kaya naman ay 'ang saya ko' para hindi mahirap manghula kung anong iniisip mo talaga!"

Nakatitig siya sa akin saka nagsalita. "Okay," aniya tumango pa siya saka binuklat 'yung notebook niya at iniabot sa akin.

What? Seryoso siya? Gagawin niya talaga 'yun?

Inabot ko naman 'yung notebook niya saka binasa 'yung nakasulat doon. Napanganga ako, literally. Nahiya ako bigla roon sa sinulat ko. Sana pala nag-effort pa ako ng konti para hindi naman ako napahiya. Ang lupit naman kasi ng pagkakagawa niya e. Kahit 'yun pa lang ang basahin mo, maniniwala ka nang kikita 'yung business proposal niya.

"Ganyan ang proposal. Inis ako," aniya.

Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya. At talagang sineryoso niya nga!

"Wag mo ngang seryosohin 'yung sinabi ko kanina!" inis na sabi ko.

"Akala ko ba 'yun ang gusto mo? Nagtataka ako."

"Arggg!!!" sabi ko saka humarap sa kanya. "Stop it, will you?"

Nagkibit balikat siya. "I-finalize natin yang proposals sa weekend. Saan tayo pwedeng gumawa?" tanong niya.

Nag-isip ako kung saan kami pwedeng magkita. Hmn, saan nga ba? Sa mall? Sa park? Teka masyadong maraming tao. Hindi rin kami makaka-concentrate.

"Sa bahay na lang," nakangiti pang sabi ko sa kanya.

"Doon na lang sa amin."

Ay peste nagtanong pa! Siya rin naman pala ang masusunod! Pinag-isip pa ako e alam niya namang nagsa-suffer ang utak ko! Pero okay na rin kung sa kanila. At least malalaman ko na kung saan siya nakatira.

Tumahimik na siya at nakatingin na lang sa kawalan. Napatingin ako kay Gen na nakatingin sa amin ni Xander. Nakipagtitigan ako sa kanya hanggang sa siya na rin ang pairap na umiwas ng tingin.

"Anong meron sa inyo ni Geney?" tanong ko kay Xander.

Tumingin naman agad siya sa akin. "Magkababata kami," simpleng sagot niya.

Sus, alam ko na ang impormasyong 'yun e. Kung kababata lang naman, bakit ganun maka-react 'yung babaeng 'yung pagdating kay Xander?

"Ex mo?" tanong ko.

Umiling siya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Hmn, niligawan mo dati?" umiling ulit siya. "Siya ang nanligaw?" tanong ko pa.

"Magkababata lang kami. Nothing special."

Nagbuga ako ng hangin saka tumingin sa nakatalikod na si Gen. "K-fine," sabi ko saka umayos ng upo.

Nanahimik ako sandali saka humarap ulit sa kanya.

"Hindi nga? Wala—" tumayo agad siya hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko saka lumabas ng classroom. "—ba talaga kayong relasyon," sabi ko kahit hindi niya na 'yun naririnig. Bastusan lang?

Humalukipkip na lang ako saka pinaikot ang mga mata ko. "'Kay," nakangusong usal ko.

Pero may something talaga e. Tumingin ulit ako kay Gen, tapos sa pinto. Malalaman ko rin yan hmp!

My Poker-Faced GuyWhere stories live. Discover now