Chapter 16 - Cienne's POV

Start bij het begin
                                    

Gayle: "Calm down. Ang ibig kong sabihin, kumain ka na diyan kasi kakain na rin ako dito ngayon.."

Shit! Akala ko pa naman magkikita na kami ngayon. Di pa pala. Naku, baka nahalata niyang mas excited pa ko sa kanya.

Cienne: "Sorry. Akala ko kasi ngayon na.. Sige kain ka na diyan."

Gayle: "So, I'll see you tonight?"

Cienne: "REALLY?!" oooops. "I mean, okay.. Saan ba?"

Gayle: "You sound excited. Well, ako din naman. I-message mo sakin exact address mo, I'll pick you up. Let's say, uhmm, 7?"

Cienne: "hmmm..."

Gayle: "Kung may lakad ka, okay lang. Next time na lang siguro."

Cienne: "Hindi! I mean, wala akong lakad. I'll text you my address. See you at 7."

Gayle: "Okay. Breakfast ka na diyan ha? See you later."

Cienne: "Eat ka na rin diyan. See you."

Binababa ko na ang phone at lumundag lundag sa ibabaw ng bed habang sumisigaw.

Cienne: "AHHHH! Magkikita na kami mamayaaaa!!! YESSSSS!!!!"

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Camille.

Camille: "Hoy! Baliw ka na yata!"

Tumigil naman ako at bumaba para yakapin si Camille.

Cienne: habang yumayakap kay kambal "Twinny, magkikita na kami mamaya!!!"

Camille: bumitaw sa pagkayakap ko at tinabunan ang tenga niya "Aray! Makasigaw ka ha? Nino?"

Cienne: "Ni Gayle!!!"

Camille: "Baliw ka na nga.. Ang tanda tanda mo na para kiligin ng ganyan!"

Cienne: "Wag ka ngang bitter!"

Camille: "Excuse me, hindi ako bitter! Baba na nga tayo. Kanina pa nakahanda ang breakfast natin."

Si Cams kasi dati ang crush ni Gayle. Okay lang naman sakin. Pero medyo introvert kasi yang kambal ko kaya ako ang 'medyo' nag entertain kay Gayle hanggang sa nakarating na kami sa ganitong level. All smiles ako hanggang sa nakababa na kami.

Naupo agad ako sa tabi ni Sachi habang si Camille naman sa tapat ko naupo. Kumain na agad kami ng breakfast. Brunch na ito kung tutuusin kasi 10:30 na. Na i send ko na rin kay Gayle ang address namin.

Nakatanggap naman ako ng text mula kay Kim. Sinabi lang naman niyang aalis sila ngayon papuntang Subic at sa Sunday pa daw ang uwi nila. Di daw pwede magsama ng iba kasi team bonding daw ng Bomberinas. Nagreply ako sa kanya at nagtanong kung ano naman ang kinalaman ko dun. Bilis naman magreply ng bruha. Aba gagawin pa kong spy! Bantayan ko daw ang bawat kilos nina Ria at Clyde, so wala akong sariling life, ganon?

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu