flashback part two.

5.5K 61 0
                                    

Honey's pov.

Simula noong makasabay namin si Justin sa pagkain lagi na namin sya kasama.

Nandito ako ngayon sa bahay gumagawa ng report ko bukas Nagsusulat na ako sa manila paper ng lumapit sa'kin si Inay.

Kami na lang ni Inay ang magkasama sa buhay. Limang taon ako ng iwan namin si itay. Natatandaan ko pa ang pangyayari.Uminom nun si itay at lasing na lasing syang umuwi. Palaging sinasaktan ni itay si inay.Pero ang isang to ang hindi ko makalimutan. Sinampal at sinabunutan nya si Inay Inaawat ko sila pero hindi nagpaawat si Itay. Nagpupumiglas si Inay kaya naman nahulog ito sa hagdan. Mabilis ko noon dinaluhan si Inay. Umiiyak ako at walang magawa dahil bata pa ako. Limang taon.Natulala naman si itay ng makita nyang may dugo si Inay. Ang naalala ko na lang isinugod si Inay sa hospital.Wala na kaming kamag-anak dahil nag-iisang anak lang sya patay na ang magulang. Iyak ako ng iyak sa hospital. Nalamab kong nakulong si Itay. Kaya ng gumaling si Inay umalis kami at nagpakalayo layo. Bibigyan ako ng endorsment letter ng principal ng school namin upang maipasok pa ako.

Napadpad kami sa lugar na'to. Natanggap ako sa isang dare care center dahil may katalinuhan akong taglay. Nireffer kami ng teacher ko sa isang full scholar sa isang exclusive school. Pinalad akong makapasa. Noong una naiilang ako dahil mayayaman ang kasama ko at madalas nilang pagtawanan ang pandesal na baon ko. Pero dumating si K-el at naging magkaibigan kami. Binigyan ng trabaho ng magulang ni K-el si Inay sa factory.

Kaya kahit papaano naging maayos ang pamumuhay namin.

Hanggang ngayon ganun pa din.Mas gumaan pa nga dahil naging Scholar pa ako ng foundation nila K-el.

Ilang taon matapos namin iwan si Itay nabalitaan namin ni Inay na namatay sya sa sa'kit. Cancer stage 4 daw sa bituka ang ikinamatay. Nagpunta ako pero isang beses lang umiyak din naman ako pero hindi naman sobra. Kahit kasi papano sya pa rin ang ama ko.

"Mukhang lalong naging inspired ang anak ko ah."Bati ni inay at tumapat sa'kin sa lamesa.Ngumiti lang ako hindi naman ako naglihim kay inay.

"May crush po kasi akong lalake Inay."Napangiti pa lalo ako.

"Naku anak mag-aral muna wag pababayaan ang grades."Bilin.ni Inay.

"Opo naman inay."

"Eh teka ng sino ba yun?"

"Kaibigan po sya ng kaibigan ko Inay. Kaso 4th year na sya.Hanggang crush lang naman po Mayaman po kasi yun."

"Ku... bakit naman?Aba'y maganda ka at matalino Hija kahit sinong magiging byenan ikaw ang gugustuhin."Pagbibida pa ni Inay.

"Pogi at matalino din yun nay."Naiiling ko pang sabi."

"Ay naku anak nararamdaman ko manliligaw yun sa'yo."Tumayo ito at namaywang."Pero pag-aaral muna anak ok?"Lumapit sa'kin.at hinalikan ako sa ulo.

"opo."Bumalik na ako sa pag-gawa ng report ko bukas. Si inay naman ay naghanda na ng kakainin namin mamaya.

Sana magkatotoo ang sinabi ni inay.

------------

Mahangin noong umaga parang may bagyo pero kailangan kobg pumasok kawawa naman ang mga kagrupo ko.

Nasa school na ako ng makasalubong ko si Justin

"Hon,wala ng pasok"Tanging sya lang ang pinayagan kong tumawag sa'kin ng ganun.

"Weh?"

"oo nga."Tinignan pa nito ang gate ng school namin nakapaskil ngang wala ng pasok.

"Sige uuwi na ako."

make love to me or just fuck meWhere stories live. Discover now