The nightmare

15.4K 88 3
                                    

Honey's POV

Madilim ang kalsada tumatakbo akong mag-isa. May mga lalaking humahabol sa'kin. Mga boses ng hindi ko kilala.

"takbo lang Honey"at malalakas na tawa na lang ang narinig ko.

Pinilit kong tumakbo. Hanggang makita ko si Justin

"Justin.."

pero tumakbo lang sya paalis sa'kin.

"teka justin bakit??"hinabol ko sya pero ng mahawakan ko sya bigla na lang syang nagliyab.

at pati ang kamay ko nagliyab na din..

"hindi...."sigaw ko.

bigla ako nakarinig ng iyak ng bata..

Hinahanap ko habang nagliliyab ang paligid ko.Hinahanap ko sya kahit nakakaramdam na ako ng paninikip ng dibdib dahil sa usok.

hanggang sa marinig ko ulit ang boses ni Justin

"Honey... honey..."

Habol ko ang hininga ko bago ako magising .. Panaginip.. Nakakatakot na panaginip..

Tinignan ko si Justin nasa gilid sya ng kama.Walang tshirt at kahit madilim, tanging liwanag lang ng poste sa labas ang nagsisilbing ilaw sa kwarto nya nakikita ko ang pag-aalala sa mukha nya.

Hindi Nilamon ng apoy si Justin.

Salamat. Hindi ko napigilang yakapin sya ng mahigpit.

"bakit?"Niyakap nya din ako.

"Wala masaya lang ako't bumalik ka agad."

"ikaw talaga sige na matulog na tayo."Ihiniga nya ako at humiga din naman sya sa tabi ko.

Humarap ako sa'kanya at tinitigan ang mukha nya.

"bakit?"

"napanaginipan kita."

"maganda ba yan?"nakangiti sya.

"Hindi nasunog ka kasi eh."natawa na ako.

"baka kasi sobrang hot ko."

"hahahahaha"di ko napigilang tumawa.

Nagulat ako ng halikan nya ako. Ngunit madali din nyang tinapos ang halik at niyakap ako. Minsan hinihiling ko na sana ganito na lang kami habang buhay. Pero hindi ito tama.

"Panaginip lang yun Hon.Matulog ka na hindi ako mawawala sayo."

tumango ako at ginawaran sya ng halik.Mahalaga si Justin sa'kin at ayokong mawala sya.

"goodnight." at mahimbing na akong nakatulog.

--------

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko.

Anong oras na ba?wala akong pasok ngayon sa school at hapon shift ko sa part time ko.Yayakapin ko sana si Justin pero wala na pala akong katabi.Kaya kahit ayaw ko sana magdilat ng mata nagdilat na ako.

Asan na kaya sya?bumangon na ako naamoy ko pa ang pabangong gamig ni Justin. Paborito ko talaga amoy na yun.

Suot ko pa rin ang tshirt nya bumaba na ako sa sala wala ding tao.

nasaan na kaya sya?

sa kusina wala rin pero may note dun.

Hon,

ipinagluto na kita maaga pa ang pasok ko.Mag-iingat ka mamaya.

Justin.

napangiti ako. Binuksan ko ang nakatakip na pagkain mas napangiti ako ng makita kong sinangag,itlog na pula at kamatis at Daing na bangus ang almusal ko. Bigla tuloy akong nagutom.

Graduating na si Justin sa kursong Engineering ngayong taon kaya alam kong busy sya.Matanda lang sya sa'kin ng tatlong taon.Pero ahead sya sa'kin ng 4na taon sa college dahil dalawang taon akong nahinto dahil din sa mga nangyari sa buhay ko.

Mabilis akong kumain at hinugasa ang pinagkainan ko. Wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong labhan ang mga damit nya. Kahit naman alam kong may naglalabang tao nun kada weekends.Napuna ko kasi kanina na madami ang labahin nya baka di dumating si manang.

Pagkatapos kong maglaba. Ipinagluto ko naman sya ng paborito nyang adobo.Simpleng bagay para sa nag-iisang taong katuwang ko.

Pagkatapos ko ng mga gawain ko sa bahay nya Naligo na ako at naghanda na sa pagpasok sa Fastfood bago ako umalis nagiwan din ako ng note.

Justin,

Ipinaluto din kita baka matagalan bago ako makabalik.thank you for everything. Thanks so much.

Honey

--------

a.n

Hehehe... sana may Justin din ako nainggit daw ba kay honey.? bakit kaya hindi na lang kay Justin tumira si Honey??

weird nuh?

make love to me or just fuck meWhere stories live. Discover now