Chapter Nine

32.9K 271 24
                                    

CHAPTER NINE

Jen's POV

"Nakoo! Kung pwede lang talagang pumatay ng tao kagabi ko pa nagawa!!" inis na sabi ko. Nandito kami ngayon ni Laena sa kwarto niya at tinutulungan ko siyang mag-impake ng gamit. Kapag naalala ko ang mga sinabi ni Cass kagabi ay hindi ko maiwasang hindi mainis! Duh! May pa stabbing pain at worst nightmare pang nalalaman muntik ko na tuloy maisampal yung pumps ko sa makapal niyang mukha. Bwiset na babae yun! Subukan lang talaga niya at makakatikim siya sakin ng flying kick!

"Jelae--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng makita ko lang siyang nakatulalang nakatingin sa mga damit niya. Napailing nalang ako.

"Hoy Laena, gumalaw ka nga diyan. Ayusin mo na yang mga gamit mo para maka-alis na tayo." Sabi ko sa kanya habang tinatapik siya sa balikat. Pagkatapos kasi ng nangyari kagabi ayaw ko ng mag-stay pa kami dito. Haler! Mukha pa lang ni Cass makita ko imbyerna na! Mabuti ng umuwi nalang kami kesa naman magmukhang kawawa ang kaibigan ko dito. Lalo lang siyang masasaktan at kung magkataon baka mapalipad ko pa sa planet Mars yang si Cassandra. Nakapagpaalam na rin naman ako sa mga dati naming mga kaklase na mauuna na kami pauwi sa Manila dahil my urgent kaming pupuntahan (which is just a lie).

Napailing ulit ako at napabuntong hininga. Naaawa na natatangahan na ako sa kaibigan kong ito. Ako na masama dahil sa mga sinasabi ko sa kanya pero yung talaga kasi ang tingin ko sa kanya ngayon. Noon pa naman wala ng pakialam ang asawa niya sa kanya. Ni hindi siya binibigyan ng importansya at para lang siyang bula. Tapos anong ginagawa niya? Ayun nagpapakatanga sa sobrang pagmamahal. Tinitiis lahat para lang sa asawa niyang walang alam gawin kundi ang saktan at paiyakin siya. Baka nga kung makabuntis pa ang lalaking iyon ay tanggapin niya pa ng bukal sa loob. Ganoon siya katanga sa Kiel na yan at hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Baliw na siya.

Tiningnan lang ako ni Laena ng sobrang lungkot bago nagsalita. "Feeling ko hanggang ngayon may nakatarak pa ring kutsilyo sa puso ko. Hindi ko maalis yung sakit. Ayaw niyang umalis." Sabi ni Laena habang nakahawak sa dibdib at ang mga luha niya ay nag-uunahan ng lumandas. Agad ko siyang niyakap.

"Husssh Laena, tahan na. Nasasayang lang yang luha. They don't worth any single tears of yours." Sabi ko. Ayan na! napa-english na ako ng wala sa oras.

"P-pero kasi. . kahit alam ko namang pwede ngang totoo yung sinabi ni Cass hindi ko matanggap. T-totoo ba yung sinabi ni C-cass? Ayaw ko. . Hindi totoo yun di ba? Ayaw magsink-in sa u-utak ko. M-mahal na mahal ko si H-hubby. Mahal naman niya ako di ba Jen?" umiiyak na sabi niya.

"Hay Laena, hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo.." Sabi ko habang malungkot na nakatingin sa kanya. Hanggang ngayon ba naman umaasa pa siya kay Kiel? Sa lahat ng ipinakita at ipinaramdam nito ay hindi pa ba ito nadadala? "Hindi naman natin alam kung totoo yung mga sinabi ni Cass di ba? Paano kung nagsisinungaling lang pala siya. You should talk to your husband at huwag ka kaagad maniwala saka mga sinasabi niya." Tama bang bigyan ko pa siya ng pag-asa? Pag-asang alam naman naming wala naman talaga? Hindi ko tiyak pero alam iyon lang ang makaka-kalma sa ngayon kay Laena. Hindi ko na kasi alam kung ano pang pwedeng sabihin para lang tumahan siya.

"Should I talk to him? Pero kasi—no hindi ko nalang siya tatanungin about dito. Kunwari wala nalang akong narinig. Iisipin ko nalang na walang nangyari." Sabi niya in a hopeful voice. Napailing nalang ako.

"Bakit ayaw mo? You're afraid to know the truth?" yumuko siya at tumingin sa ibaba. "Hindi ka pwedeng mabuhay nalang sa gusto mong paniwalaan habang buhay Laena. Masasaktan at masasaktan ka lang." Bumuntong hininga ako bago ulit nagsalita.

His Determined WifeWhere stories live. Discover now