Chapter 11

14.5K 152 11
                                    

Lunes na naman. Nakakatamad pumasok.

Pagpasok ko sa school, nakita ko ang barkada sa tambayan namin. Ako nalang talaga ang kulang dun kaya pumunta na din ako.

Habang naglalakad papunta dun, naalala ko na lagot pala sakin yang bakulaw na yan.

"Ayan. Kumpleto na tayo. Pwede ko nang sabihin." 

Sabi ni Patrick.

"Bro, don't tell me break na kayo ni Tammy." 

Sabi naman ni Tikoy.

Bago pa man makapagsalita si Patrick, si Tammy na ang sumagot.

"Yup. Break na kami." 

Makikita mo talaga sa mata niya at sa way ng pagsasalita niya yung hurt at anger.

"OMG! Bakit?" 

Gulat na gulat na tanong ni Britney.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" 

Mataray na sagot ni Tammy.

"Patrick, bakit ba kasi kayo nagbreak ni Tammy?" 

Tanong ni Winston.

"Uhh--"  

Bago pa man maipagpatuloy ni Patrick ang kanyang sasabihin, nagring na yung bell.

Ang tahimik lang ng barkada ngayon. Pati ako hindi na napatay yang bakulaw na yan dahil sa pagpapaiyak niya sa bestfriend ko. Ang tahimik ko na rin.

Napagpasyahan namang magpaka-loner muna ni Tammy. Wala siyang kausap, palaging matamlay. Basta, ang daming nagbago sakanya.

Pati nga si Christian nag-aalala na samin eh.

"Bakit? Anong problema? Hindi yata okay ang barkada niyo?" 

Tanong sakin ni Christian habang hinihintay pa namin si Ms. Ortega.

"Break na kasi si Tammy at Patrick eh." 

Malungkot ko namang sagot kay Christian.

"Makakahanap din ng better guy si Tammy." 

Sabi naman ni Christian.

"Sana nga." 

Malungkot ko paring sagot sakanya.

Si Patrick naman, ang tahimik niya. Nahurt din siguro siya. Ngayon lang nagkaganito ang barkada.

Kasalanan itong lahat ni Patrick eh. Kung hindi sana siya nanligaw. Kung hindi sila naging dalawa ni Tammy. Ahh wait. So may kasalanan din si Tammy dito? Sinagot niya eh. Ugh. Ewan. Bakit ko ba kasi iniisip kung sino ang may kasalanan? 

Basta ang dapat kong isipin ngayon ay kung papaano na kami ngayon? Papaano nalang kaya ang barkada?

Halos sa pag-iisip ko, hindi na ako nakinig sa mga klase namin. Hindi na rin ako nakapagmeryenda. 

Lunch na pala. Hindi na rin ako nakakain ng lunch. 

Ang payat ko na nga, hindi pa ako kumakain. Baka magkasakit pa ako.

Uwian na. 4pm pa naman kaya pumunta na kami sa tambayan. Doon tinuloy ni Patrick ang kanyang sasabihin.

"Bro, ituloy mo na." 

Sabi ni Tikoy.

"Ahh oo. So ganito kasi yun eh. Mahal na mahal ko naman talaga si Tammy. Nalove at first sight ako sakanya. Nanligaw ako secretly sakanya for almost a year. Napagdesisyunan naming hindi sasabihin sa grupo ang panliligaw ko. Sasabihin nalang namin if magiging kami na. Ayun naman, inaasar ko na si Ella para hindi halata." 

Naluluhang pagpapaliwanag ni Patrick samin.

"Kaya naman pala eh. Matatapos na rin sa wakas ang pang-aasar mo sakin." 

Natatawa kong sabi kay Patrick. Tumawa ako para naman hindi malungkot masyado pero sa totoo lang, nakakalungkot talaga.

"Nope." 

Nagulat ako sa naging sagot ni Patrick sakin. Seryoso siyang sumagot.

"Bakit naman?" 

Tanong ni Winston.

"Kasi dahil siguro sa pang-aasar ko sakanya," 

Nanginginig na sabi ni Patrick. Naku, pabitin pa eh.

"Kasi?" 

Tanong ni Britney.

"Don't tell me--" 

Singit naman ni Tammy.

Hala. Parang alam ko na!

"Yup Tammy. You're right. Dahil sa pang-aasar ko kay Ella, nahulog ako sakanya." 

Pagpapatuloy ni Patrick.

Gosh, napaiyak ako dun. Hindi ko yun inexpect eh. Tumingin ako kay Tammy. Alam ko na mahal na mahal niya talaga si Patrick. 

Umiiyak na din siya tsaka umalis. Alam ko kung ano ang nararamdamang sakit ngayon ni Tammy.

Mahal na mahal niya si Patrick eh. 

Sinundan kong habulin si Tammy.

"Tammy. Tammy. Tammy, please." 

Sabi ko sakanya habang medyo tumatakbo para habulin siya.

Buti naman at huminto si Tammy.

"Alam mo, ang sakit eh. Ikaw pa. Ikaw pa na bestfriend ko ang mamahalin ni Patrick. Okay lang siguro kung sa ibang babae nalang. Pero hindi eh. Ikaw. Sayo." 

Sigaw ni Tammy dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ngayon.

Magsasalita na sana ako pero tumakbo na siya paalis. Hindi ko naman na siya naabutan.

Pagdating ko sa bahay, naguiguilty ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Matamlay nalang ako at nakatunganga sa kwarto. 

Sinubukan kong tawagan si Tammy pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sakanya.

Ano na ang gagawin ko?

Tapos biglang bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Patrick-- na mahal daw niya ako.

Alam ko. Alam ng puso ko. Alam ng sarili ko na mahal ko nadin siya pero ayaw ko lang aminin. Tulad niya, nahulog din ako sa pangangasar niya.

Pero hindi ko siya pwedeng mahalin.

Mahal din siya ni Tammy. Bestfriend ko si Tammy. Ayokong nasasaktan ang bestfriend ko.

Naku naman. Ako ang naiipit sa sitwasyon namin.

I need help.

Im Inlove ♥ [FIN-UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon