Chapter 6

15.4K 147 21
                                    

Pumasok ako sa school na ang tamlay. Wala akong ganang magbreakfast, wala ako sa mood. Basta, paulit-ulit sa isipan ko yung mukha ni Patrick nung sabihin niyang sila na ni Tammy.

  

“Hoy nerd!”  

Sigaw ng isang may boses lalaki sa likuran ko.

  

“Ay anak ng bakulaw!” 

Sigaw ko dahil sa sobrang pagkagulat. Naku, si bakulaw naman pala ‘to. Bwisit.

  

“Ako? Bakulaw? Tss.” 

Ano ba yan, umagang umaga sinisira na naman niya ang pag-iisip ko.

  

“Ewan ko sayo.” 

Syempre palagi akong mataray pagdating sakanya.

  

“Eh bakit ang lalim ng iniisip mo kanina?” 

Tanong ni Patrick sakin na parang concern. Nuxx ha. Siya? Concern? Oh come on, mammon. Tss.

“Ano naman ang pakialam mo dun?” 

Taray ulit kahit sa looban ko, nasisiyahah ulit ako. Ang ewan.

  

Bago pa man siya makapagsalita, nakita kami ni Tammy.

“Ella, Patrick. Sabay na tayong pumunta sa classroom.” 

Sigaw niya samin habang tumatakbo para habulin kami.

  

“Good Morning baby ko.” 

Bati naman ni Patrick kay Tammy. Natameme ulit ako.

  

“Good Morning din bebe ko. Wala kang service ngayon?” 

Tanong ni Tammy kay Patrick.

  

“Wala eh. Sorry din pala kung hindi kita nasundo kanina. Babawi nalang ako.” 

Sagot naman ni Patrick.

  

“Okay lang. Ella, paturo naman dun sa assignment natin.” 

Sabi ni Tammy.

  

“Sige.” 

Tipid ko naman yatang sumagot ngayon.

Halos loner na ako. Si Tammy at Patrick kasi, palagi na silang magkasama. Ayoko namang maisturbo sila. Si Winston at Britney naman. Alangan si Tikoy ang kasama ko, babae lang naman ang inaatupag niyan. Naku, ang hirap ng ganito.

Sabi ko na nga ba magiging ganito ang buhay ko eh. Kaya siguro ako nalulungkot.

Sa pag-iisip ko, bigla na naman akong nagbalik sa Earth nung may tumawag sa pangalan ko.

“Ella!” 

Si Tammy pala.

  

“Oh bakit?” 

Tanong ko naman.

“Diba magpapaturo ako sayo sa assignment natin?” 

Sabi niya sakin.

  

“Ahh, oo nga pala. Pasensya na. Nakalimutan ko eh.” 

Sagot ko naman.

  

“Bestfriend, bakit parang palagi kang tahimik, matamlay simula nung naging kami ni Patrick? Nagseselos ka no?” 

Tanong ni Tammy sakin.

Bigla akong napahinto sa tanong niyang yun. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

  

“Sus. Bakit naman ako magseselos? Hindi no. Masaya ako para sa inyo. Kaya naman ako tahimik at matamlay kasi mag-isa na ako. Wala na akong kasa-kasama. Miss na nga kita eh.” 

Sagot ko kay Tammy.

  

“Pasensya pala Ella kung hindi na kita masyadong nakakasama ngayon. Uhm, sumama ka nalang samin ni Patrick.” 

Ha? Ako? Sasama sakanila? Paano ako? OP-OP nalang?

“Ha? Wag na. Baka makaisturbo pa ako sainyo eh.” 

Naku. Ang hirap namang kausapin si Tammy ngayon.

“Hindi. Okay lang samin yun. Sama ka ha? Alang-ala sa bestfriend mo?” 

Hindi ko naman matanggihan si Tammy.

  

“Sige na nga.” 

Naku, kakayahin ko kaya?

Im Inlove ♥ [FIN-UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon