uno.

75.9K 1.8K 205
                                    

Life sucks. There, I said it.

"HEL!"

Napatigil ako sa paglalakad 'ko nang marinig 'ko ang pagsigaw ni Bellona sa pangalan 'ko. Boses palang niya, alam 'ko na agad kung sino ito. Isa pa, wala namang ibang lumalapit sa akin dito kung hindi siya lang.

Bellona is rank 5 in our class. She has the power to manipulate time. Awesome? Not really.

Marami ang humahanga at gumagalang sa kanya. She has the respect of everyone in our school Bakit? Dahil mataas ang ranking niya. Ang hindi alam ng lahat, sa likod ng ranking na mayroon si Bellona ay isang lihim na kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Hindi ako nagsalita at hinintay lang na sundan niya ang pagtawag sa pangalan ko.

"Magla-lunch ka na ba? Tara, sabay na tayo." Masayang sabi niya. Tumango nalang ako at sabay na kaming naglakad papunta sa cafeteria.

Cheerful si Bellona. Bata palang ay magkakilala na kami. Halos sa kanila rin kasi ako lumaki. Opposite ang ugaling mayroon kaming dalawa ni Bellona. Hindi 'ko nga alam kung paano kami nagkakasundo nito. Masayahing tao siya, ako naman ay hindi. Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan ba ako huling nakaramdam ng kasiyahan.

Nang makarating kami sa cafeteria ay naabutan naming maraming tao roon. Lahat sila ay napatingin sa amin nang pumasok kami—o mas magandang sabihing, sa akin silang lahat nakatingin.

"Oh, naandyan na 'yong rank 5 sa freshmen. Kadikit na naman niya iyong loser."

"Siya iyong Hel, hindi ba? Siya ang pinakahuli sa klase niya, hindi ba? Pathetic."

"Eww, hindi ko talaga alam bakit nakikipagkaibigan si Bellona sa mga kagaya niyang Hel na iyan. She deserves better."

Nagsimula na silang magtawanan at insultuhin ako. Hindi ko nalang sila pinansin dahil immune na ako. As if namang nasasaktan pa ako sa mga sinasabi nila. Kumpara sa mga napagdaanan 'ko sa buhay, wala ang mga pang iinsulto nila. May mas sasakit pa ba sa iwanan kang mag isa ng pamilya mo?

"Bellona, Hel, dito!"

Nang makabili kami ni Bellona ng makakain ay agad niya akong hinila papalapit sa dalawang taong tumawag sa amin.

"Hi Alvis, Dalia. Buti nalang may bakanteng upuan pa dito." Kaklase namin ang dalawang ito. Hindi katulad ng iba ay pinakakikisamahan nila akong dalawa. Mga kaibigan sila ni Bellona pero hindi ko sila tinatratong kaibigan. Pare-pareho silang nasa top 15 ng klase.

"Hay nako, Hel, inaaway ka na naman ng mga nasa ibang klase. Makapanghusga akala mo kung sinong kay gagaling. Hayaan mo nalang. Insecure lang sila sayo." Umupo ako sa tabi ni Bellona. Hindi ko napigilang magsalita dahil sa huli niyang sinabi.

"Insecure? Saan naman sila dapat mainsecure?" Kung marunong lang siguro akong tumawa ay tinawanan ko na ang sinabi niya.

Nginitian ako ni Alvis. "Kasi, alam naman naming hindi ka lang panglast ranking. You can do better. Ayaw mo lang."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ko inaasahang ilalabas iyon ng bibig niya. Ganoon pa man ay mas pinili ko pa ring manahimik nalang.

Natahimik kaming apat at kumain nalang nang bigla na namang magwala ang ibang tao dito sa cafeteria.

"Gosh, andyan na iyong dalawang hottie ng Class 1-A. Kreios and Theo are coming! Ang gwapo talaga nilang dalawa 'no? Tapos top 1 and 2 pa sila ng klase nila. Hot." Napatingin kami sa may pintuan at nakita namin na papasok na nga ang dalawa.

Wala akong pakealam sa ibang tao. But somehow, that Kreios is something else na kahit ako ay napapatingin kapag naandiyan siya. Para bang kilala ko siya na hindi? Whatever.

Mystique Academy: Ace of Spade (AVAILABLE ON DREAME)Where stories live. Discover now