"DJ is that you?"tanong ng isang babaeng maputi kay DJ kaya naman napatingin si DJ sa babae at tumaas naman ang kilay niya.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong sa kanya ng babae at umupo sa tabi niya.

"Sorry pero hindi kita kilala, Inaantay ko pa ang asawa ko."sabi ni DJ sabay balik ng tingin sa phone niya.

"M-May asawa ka na pala? Uhm K-Kailan pa?"tanong ng babae kaya naman tinignan ni DJ ang babae ng may disbelief.

"Teka nga sino ka ba?"tanong ni DJ kasi nga parang walang alam etong babae na may asawa siya saka isa pa parang kilala siya.

"Silly! Hindi mo ba ako naaalala? Ako si Sofia, Sofia Andres. Girlfriend mo nung nasa States ka pa."sabi ni Sofia at napataas naman ang kilay ni DJ kasi hindi niya maalala na may girlfriend siyang Sofia.

"Sofia? Wala akong naaalala."sagot ni DJ sabay balik ng tingin sa phone niya.

"Kung wala kang naaalala, Ipapaalala ko sa iyo."sabi ni Sofia at biglang nilapit niya ang mukha niya kay DJ kaso busy si DJ sa phone niya at sa paglalaro ng Minion Rush (Trololol) kaya lang paglapit ng mukha ni Sofia kay DJ ay saktong lumabas si Kath.

"DJ yung baby nat..in.. Healthy.. naman.. daw.."sabi ni Kath nang makita niya na hahalikan na ng babae ang asawa niya.

"Kath, tapos ka na? Ano sabi ng doktor?"tanong ni DJ at tumayo saka hinawakan ang kamay ni Kath na tinanggal naman ni Kath. Nagtaka naman si DJ kung may problema ba sa asawa niya.

"Tara."sabi ni DJ at natigilan naman si Sofia habang si Kath nag-iba ang mood.. Lagot!


Nag-walk out si Kath.. Ikaw ba naman makita mo ang pag-aari mo na hahalikan ng ibang babae tapos hindi pa lumayo, Anong gagawin mo?

"Uy Kath, Anong problema mo?"tanong ni DJ sabay akbay kay Kath, Tinanggal naman ni Kath ang pagka-akbay ni DJ sa kanya tulad nang ginawa niyang paghatak sa kamay niya kanina.

"Layuan mo ko! Leche ang landi mo."asar na sabi ni Kath at pumasok sa kotse nila. Si DJ naman naiwang walang kaalam-alam.

"Uy Kath, Bakit ba galit ka sa akin? Mood swings ba?"sunod-sunod na tanong ni DJ kaso hindi siya pinansin ni Kath hanggang makarating sila sa bahay nila.


Pagka-park kasi ni DJ sa garage ng kotse nila ay bumaba agad si Kath kaso sa sobrang inis ni DJ na ginanoon siya ni Kath nang hindi niya naman alam ang dahilan. Kaya naman pagpasok palang nila sa bahay ay hinatak ni DJ ang braso ni Kath.

"Kath sabihin mo nga sa akin ano ba talaga ang problema? Kanina lang ang saya mo tapos after the check up biglang nagbago ang mood mo. May nangyari bang hindi maganda?"tanong ni DJ kay Kath habang si Kath sinamaan ng tingin si DJ.

"Wow ang kapal din ng mukha mo, Ako pa may problema? Eh sino kaya diyaan ang hahalikan na ng ibang babae hindi pa lumalayo? Sa tingin mo nakakatuwa iyon?"inis na bulalas ni Kath at nagpumiglas sa pagkahawak ni DJ sa braso niya.

"Kath ano ba pinagsasabi mo?"tanong ni DJ kay Kath natawa naman si Kath ng sarkastiko.

"So itatanggi mo pa na may babae ka? Akala mo wala akong nakita? Anong akala mo sa akin bulag?"tanong ni Kath tapos inirapan niya si DJ, Hinilamos ni DJ ang mukha niya at hinarap si Kath sa kanya.

"Wala nga akong babae.. Ikaw lang kaya ang babae sa buhay ko."sabi ni DJ pero hindi nadala si Kath sa sweet words ni DJ kasi galit siya dito.

"Akala mo lang wala! Pero MERON! MERON! MERO-Hmm.."natigilan si Kath sa pagsigaw dahil bigla siyang hinatak ni DJ at hinawakan ang magkabilaang pisngi niya saka siya hinalikan sa labi.


Mapusok at mainit ang halik na iyon ni DJ. Mabilis niyang tinugon ang halik ni DJ at ang kanang kamay niya ay napakapit sa batok nito habang ang kaliwang kamay niya naman ay mahigpit na napahawak sa damit ni DJ. Bumaba ang isang kamay ni DJ sa balikat ni Kath habang hinahalikan pa rin ang asawa niya.


Hinimas ni DJ ang balikat ni Kath habang ipinapasok ang kanyang dila sa bibig ni Kath. The kiss is really intense, After a second naghiwalay na sila sa halik at ang kamay ni DJ muli niyang inangat sa pisngi ni Kath saka pinagdikit ang noo nila.

"Ang kulit mo naman.. Sinabing ikaw lang yung mahal ko, Bakit hindi ka naniniwala?"hingal na tanong ni DJ kay Kath, Kinagat ni Kath ang namumula niyang labi bago sumagot kay DJ na nakatingin sa mata niya ngayon.

"Hahalikan ka kasi nung babae tapos hindi ka man lang lumayo, Ngayon sabihin mo sa akin.."sabi ni Kath at napapikit na lang si Kath habang inaantay ang sasabihin ni DJ sa kanya na ngayon ay malapad na nakangiting nakatitig sa asawa habang magkadikit pa rin ang noo nila.

"Sasabihin ko sa iyo na mahal na mahal kita at hindi ko magagawang humalik ng ibang babae."bulong ni DJ at nakangiting idinilat ni Kath ang kanyang mata.

"Basta ipangako mo sa akin na akin ka lang. Akin ka lang.."sabi ni Kath at tumango si DJ habang nakangiti kay Kath.

"Yes Kumander! Iyong-iyo lang ako at akin ka lang kaya wag kang mag-alala, Pakiss nga!"sabi ni DJ at hinalikan muli si Kath sa labi bago yinakap ang asawa niya ng mahigpit at hinalikan ang buhok ni Kath.

"I love you very much kaya please, Wag kang magduda sa akin."bulong ni DJ at tumango naman si Kath habang nakayakap sa bewang ni DJ.

"I love you too DJ, Mahal na mahal kita."sabi ni Kath at yinakap pa ng mahigpit si DJ saka huminga ng malalim.

SLH (The Special Book)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora