<< Jeongyeon >>

175 7 1
                                    


8:30am.

Kakatapos ko lang maligo at magbihis kaya dumiretso agad ako sa kusina para magluto. Kaso nakita kong nagluluto na pala siya.. si Momo.

"Oh, goodmorning jungyeon!" sinabi niya pero hindi nakatingin sa'kin dahil busy sa pagluluto.

"Ah.. morning" sabe ko lang at kumuha ako ng gatas sa ref. at inilagay yoon sa mesa. Umupo ako.
"Nasaan si dahyun?" tanong ko at kinuha ko muna yung cellphone ko sa bulsa ng pajama ko.

"Hmm ayun tulog pa" sagot niya at biglang inilapag yung plato na may nakalagay na bacon at itlog. Woah...

"Wait, meron pa!" sabe pa niya at huling inilagay yung platong may nakalagay na pancakes at may syrup pa. Heaven.

"SURPRISE!!" nakangiting sabe niya.

"S-salamat sa napaka-sarap na pagkain.." sabe ko at kumuha ako ng mga kutsara at tinidor. Umupo naman siya sa t-a-b-i ko.

"Hmm.. humihilik pala si Dahyun kapag natutulog noh" bigla akong napatingin sa kanya at medyo natawa. Oo nga pala, hilikero yung kapatid kong yun.

"Oo.. buti hindi ka nadidistract sa hilik niya" pagbibiro ko naman at kumuha ako ng pancake.

"No.. but he's still cute" -Momo.

Kumain lang ako ng kumain at hindi ko napansin na nakatulog na pala tong si Momo sa mesa. Yung napakaputi niyang mukha, makinis. Mahahabang pilik-mata, pinkish lips. Namiss ko toh, yung siya.

May girlfriend ka na ...

Alam ko.

Dapat susubukan ko siyang lapitan...
Kaso hindi ko na lang tinuloy dahil ayaw kong.. masaktan ang kapatid ko.

"Oh! Goodmorning!!"

Bigla akong napalingon sa likod at nakita ko tong si Dahyun na palapit sa'min. Napatingin naman ako kay Momo at nagising naman siya.

"Oh bakit dyan ka natutulog?" tanong ni Dahyun.

"I feel sleepy" sagot naman ni Momo at papikit-pikit. Ang cute amf.

"Tara dun sa kwarto" sabe ni Dahyun at inilalayan niya si Momo na makapunta si Momo. Tinuloy kona lang yung pagkain ko.

-
-
-

HOUSE OF MINA.

Kakarating lang namin sa party ni Mina at umupo muna kaming tatlo nina Dahyun at Momo. Nilapitan naman kami ni Sana at Tzuyu, dumating rin sina Chaeyoung at Jihyo.

"Hi momo!" bati ni Tzuyu at nakipagshake-hands pa kay Momo, ganun narin ang ginawa ni Sana.

"Nasaan si Nayeon, hindi niyo kasama?" biglang tanong ni Jihyo.

"Who's nayeon?" biglang tanong ni Momo kaya nagkatinginan kami ni Jihyo.

"Ah.. siya yung girlfriend ni kuya jungyeon" sagot naman ng kapatid ko sa tanong ni Momo. Napakamot lang ako ng ulo.

"Hindi ata siya makakarating" sabe ko.

"Anong hinde, sino nagsabe?"

Napalingon agad ako sa likod ko ng makita ko ang napaka-cute kong girlfriend! Bigla ko siyang niyakap.

"Akala ko hindi ka darating" sabe ko.

"Hmm, pinayagan ako ni Mama kaso hindi alam ni papa. So.. okay lang yun!" sagot niya naman at pinisil yung ilong ko. "Yiiiiiiiiieh".

"Kuya!" tawag sa akin ni Dahyun.

"S-sino siya?" tanong ni Nayeon at itinuro si Momo. Tumayo si Momo at lumapit kay Nayeon.

They Don't Know About Us (JeongMo) Where stories live. Discover now