<< Jeongyeon >>

187 7 0
                                    

Nasa Mall na kami at hinahanap namin yung restaurant na tinext ng kapatid ko.

"Nagugutom na'ko" sabe ni Sana.

"Nasan naba kase?" tanong naman ni Chaeyoung.

"Ayun ata oh! diba sa shakeys? edi ayun!" sigaw bigla ni Jihyo at itinuro na nga yung target, jowk.

Nagmadali na kaming pumunta sa shakeys at hinanap namin kung saang table sila Dahyun at yung girlfriend niya.

"Kuya!"

Bigla kaming napalingon at nakita ko si Dahyun na kumakaway kaya pumunta agad kami sa pwesto nila.
Pero siya lang mag-isa…

"Dahyun!" sabe ni Jihyo.

"Upo muna kayo" sabi ng kapatid ko at pinaupo kami.

"Nasan na siya?" tanong ni Tzuyu.

"Ah.. nag-cr lang siya, wait palabas na yun" sagot naman ni Dahyun at naglagay sa mga plato namin ng pizza. At dahil gutom na gutom na si Sana ay siya na ang unang kumain sa'min.

"Nasan si Nayeon, kuya?" tanong ni Dahyun.

"Ah.. hindi na naman siya pinayagan" sagot ko naman at uminom ng juice.

"Akala ko ba dahyun, sa party ko bukas siya darating?" tanong naman ni Mina.

"Yun na nga e.. wag kang mag-alala, pupunta parin kami sa party mo" sabe naman ni Dahyun.

Kinuha ko muna yung cellphone ko at itetext ko muna si Nayeon.

"DAHYUN!!!"

Nagulat ako sa narinig kong sumigaw kaya napatingin kaming lahat kung saang direksyon yon.

Totoo ba'tong nakikita ko?

Siya yung girlfriend ng kapatid ko?

Ano toh?

Nakalapit na samin yung girlfriend ng kapatid ko.

"Hmm guys, she's my girlfriend. Hirai Momo"

Hirai Momo

Hirai Momo

Si Momo?

Bakit siya pa?

Nagulat ako nang magkatama kami nang tingin ni Momo at nakita ko rin yung reaksyon niya ng makita niya ako…

"Momo?" tawag sa kanya ni Dahyun at nawala na yung tingin niya sa'kin.

Tinago ko yung cp ko at uminom uli ng juice.

"Jungyeon?" biglang bulong sakin ni Mina. Yung mga reaksyon rin nila ng makita uli nila si Momo, at ganon din ako.  Umupo na sina Dahyun at si Momo.

At shit lamang dahil kaharap ko pa si Momo! argh.

"Ah.. e-excuse me lang saglit" sabi ko at hinila ko bigla si Jihyo papuntang restroom.

"Nagulat ka? kase hindi mo alam na siya pala yung magiging girlfriend nang kapatid mo?" sabe ni Jihyo.

Naghilamos muna ako ng mukha ko bago ako sumagot. "Oo, pero nung nagkatama kami ng mga tingin.. alam kong naaalala niya parin ako" sagot ko.

-
-
-

F L A S H B A C K

(2009)

Naglalakad kami ng girlfriend kong si Momo papuntang playground.

"Tara!" sabe ko at nag-duyan kaming dalawa habang ang isang kamay namin ay magkahawak.

"Malapit na birthday mo, diba?" tanong niya sakin kaya tumango ako.

They Don't Know About Us (JeongMo) Where stories live. Discover now