<< Jeongyeon >>

208 5 1
                                    

SCHOOL

Nasa cafeteria kaming magkakaibigan. Maaga pa naman kaya tumambay muna kami dito.

"Gusto ko sana kayong imbitahan sa birthday party ko sa linggo" sabi ni Mina.

"Oo nga pala sa linggo na birthday mo noh" sabi naman ni Dahyun.

"Mga regalo niyo ah" sabi pa ni Mina at tumawa.

"Magpahanda ka muna! Hahahaha!" patuloy kaming nagtatawanan. Hanggang sa may tumawag kay Dahyun.

"Wait lang ah" sabi niya at lumayo muna. Sino kaya yon?

"Baka yung gf niya tumatawag" biglang sabi ni Nayeon na nakasandal pa sa akin. Kinurot ko naman yung pisnge niya.

"Mga anong oras ba umpisa ng party mo?" tanong ni Chaeyoung

"Mga 7pm.. ano pwede kayo?" -Mina.

"Sorry, hindi ako makakapunta" biglang sabi ni Nayeon at yumuko ng onti.

"Bakit naman?" sabay na tanong namin ni Jihyo.

"Parents.." nakayukong sagot niya.

Hays, sabi ko naman eh. Nakakainis na talaga yang parents ni Nayeon. Ayaw na ayaw talaga nila sa relasyon naming dalawa. Hindi nila ako tanggap, at pinapalayo pa nila si Nayeon dito sa manila. Gusto nilang magkalayo kaming dalawa. Hay nako.
Sadya akong nagdabog patayo at kinuha ko yung bag ko.

"Mauna na ako sa room ah" sabi ko at tuluyan na akong naglakad paalis. Narinig kong tinawag ako ni Nayeon kaso hindi ko siya nilingon.

ROOM


Nagtuturo na sa English. Nakayuko lang ako sa desk. Medyo iniisip ko parin yung sa parents ni Nayeon.

"Yoo Jungyeon!"

Bigla akong napabangon at napatayo sa gulat. At biglang nagsi-tawanan tong mga kaklase ko.

"B-bakit sir?" nahihiya kong tanong at napakamot ako sa ulo.

"Matutulog kana lang ba?" tanong ni sir. Umiling naman ako.

"S-sorry sir.." sabi ko at umupo na.

.
.
.
.
.
.
.

CAFETERIA

Kumakain kami kaso wala akong gana dahil hindi kami magkatabi ni Nayeon. Katabi niya si Jihyo. Hindi naman ako nagseselos, naiinis lang ako kase di niya man lang ako pansinin at tignan.

"Sasama ako sa party ah" hindi nakatinging sabi ko at sabay sumubo ako fries.

"So.. si jungyeon, chaeyoung, sana, jihyo lang ang sasama?" tanong ni Mina.

Inayos ko lang yung buhok ko at tumingin ako sa paligid.

"Ako, sasama ako! baka isama kona rin yung girlfriend ko" napatingin ako bigla sa kapatid ko.

"Woah, buti naman" -Chaeyoung.

"Pakilala mo kami, huh?" sabi naman ni Tzuyu.

"Oo naman, why not?" -Dahyun.

"Nayeon sasama ka?" tanong ni Mina.
Hindi sumagot si Nayeon kaya iniwasan ko siyang tignan. Bahala siya.

"Sundin mo rin minsan sarili mo" sabi ko at tiningnan ko siya.

"Ah… s-sorr—"  sabi niya kaso bigla ko siyang hinila papuntang garden.
Walang tao. Tahimik.

"Bakit?" tanong niya.

"Sumama ka sa party.. akong bahala sa magulang mo" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.

"Wag na wag mong gagawin yan, gusto mo na bang magkahiwalay tayo?" tanong niya na nagpakunot-noo sa akin.

"Bakit, anong ibig mong sabihin?!"

"Sabi sa'kin ni mama, kapag nalaman niya na nagkakasama pa tayo.. baka tuluyan niya na akong dalhin sa Guam!, ayoko naman mangyari yun noh!" sigaw niya.

"Hindi, hindi ako papayag na magkalayo tayo.. hindi, basta sumama ka sa party.. malapit na magbakasyon" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang umiiyak.

"Hindi ko alam, naiinis na rin ako sa kanila.." iniiyak niyang sabe. Pinunasan ko ang mga luhang tulo ng tulo gamit kamay ko. Doon ko na siya niyakap ng mahigpit.

"Tama na, tama na.." sabi ko.


WAITING SHED

Naghihintay kaming tatlo ni dahyun, nayeon, jihyo at ako ng bus.

"Yung sinabi ko sayo, huh?" bulong ko kay Nayeon at inakbayan ko siya. Tumango naman siya.

"May bus na, tara na Nayeon!" sabi ni Jihyo. Tumayo na kami. Sabay na uuwi si Jihyo at si Nayeon dahil magkapitbahay lang naman sila. May tiwala naman ako kay Jihyo.

May dumating ng bus.

"Sige, ingat kayo ah" sabi ko at hinalikan ko yung pisnge ni Nayeon bago sila tuluyang sumakay sa bus ni Jihyo at umandar na papaalis.

Bumalik ako sa inuupuan ko kanina, at busy na naman kakatext tong kapatid ko.

"Tama na yan, may bukas pa" pagbibiro ko at kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

"Ano kaba kuya, wala akong load." sabi niya.

"Tss, denying" ako.

"Hays oo na, wala pa bang bus"

"May nakikita kaba?" tiningnan ko siya at binelatan.

"Loko ka talaga kuya, hays.. antagal naman mag-linggo.. gusto kona siyang makita" sabi niya.

"Sino girlfriend mo?" tanong ko at tinext ko muna si Nayeon.

"Kuya.. alam mo ba nagkakilala kami sa fb, at ayun.. nalaman kong taga-pilipinas rin pala siya at nag-aral lang siya sa states.. balak niyang magbakasyon dito.."

Napatigil ako sa pagta-tayp at tumingin ako sa kanya. "Sorry, may sinasabi kaba bunso?" tanong ko. Umiling lamang siya kaya ipinagpatuloy ko na lang yung pagtatayp ng itetext ko kay Nayeon.

They Don't Know About Us (JeongMo) Where stories live. Discover now