Ara: "Daks, hinay hinay lang. May training kaya tayo.." tumawa lang si Kianna at niyaya silang makipag usap kasama ang iba.

Kumakain pa rin si Mika. Pinag uusapan nila ang upcoming games nila sa Singapore, dun kasi ang Seagames this year. Excited naman silang lahat at todo kwentuhan pa rin nang biglang sumingit si Coach Ramil. Dumating na pala ito.

Coach Ramil: "Good morning, girls!"

Bomberinas: "Good morning, Coach!"

Coach Ramil: "Thank God it's Friday!"

Kim: "Weh? Yung totoo, Coach?! Panu kami magpapa thank you eh alam naming kawawa na naman kami sa training?"

Napatawa silang lahat.

Coach Ramil: "Hoy Fajardo, kung maiwan ka kaya dito at mag training habang kami mag rerelax? Okay lang sayo?"

Kim: "Anong meron?"

Coach Ramil: "Yan! Diyan ka magaling pag nakarinig na walang training! Anyhow, girls, since maaga pa naman, bibigyan ko kayo ng chance na umuwi muna at kumuha ng mga gamit. 1pm call time natin mamaya, magkita tayo sa Taft sa harap ng DLSU dahil doon maghihintay ang sasakyan nating coaster. Mag suSubic tayo!"

Rachel: "Wow!! Subic!!"

Nagsi apir ang Bomberinas sa mga katabi nila. Tuwang tuwa sila dahil wala na ngang training eh makakapag relax pa sila.

Ara: "Coach, pwedeng magsama?"

Agad pumasok sa isip ni Ara si Ria dahil chance niya na daw to para makapag bonding naman sila. Si Mika naman, walang ibang inisip kundi ang sana ma solo niya naman si Ara habang nagrerelax lang, hindi yung training lang ang nakakapaglapit sa kanila. Ni hindi man lang niya naisip ang boyfriend niya.

Coach Ramil: "Hindi pwede, Ara. Napansin ko kasi lately na nagkakanya kanya kayo. It's about time na kayo kayo lang na mag teammates ang mag bonding.."

Dindin: "Minsan lang to, Ara! Maiintindihan naman yan ng mga partners niyo."

Binigyan ni Dindin ng mapang asar na ngiti sina Mika at Ara. Si Mika naman ngumiti lang at natuwa dahil hindi pwedeng magsama ng iba.

Coach Ramil: "You are dismissed, girls. Be there by exactly 1pm." Humarap naman kay Rachel. "Rach, sama ka muna sakin sa office. May mga instructions ako."

Bomberinas: "Bye Coach!"

Nagsipag ayos na silang lahat at kani kaniya ng lumabas.

Aby: "Oh, pano? Kita na lang tayo mamaya?"

Ara: "Bye MotherF. See you later."

Tumungo na sina Mika, Kim, at Ara sa parking lot kung saan nakapark ang Hummer ni Ara. Pumanhik na sila sa kotse at umuwi na agad.

Walang tao pagdating nila sa bahay. Nagtataka sila kasi wala pa namang two hours nang umalis sila kanina.

Kim: "Oh? Nung umalis tayo, umalis din sila agad?"

Mika: nagkibit balikat lang si Mika. "Ewan, sige, pasok muna ako sa kwarto. Mag aayos lang ako ng gamit. Text ko na lang si Clyde, maiintindihan naman nun." at tinungo na ang kwarto niya.

Ara: "Ang aga naman ng lakad nila. Sana makasabay pa natin silang maglunch."

Kim: "Nagdududa na talaga ako Pare! Yang Clyde na yan. Naku! Mga two weeks na rin akong nagtitimpi sa pagiging antipatiko niya ha?"

Ara: "Ano ka ba, baka marinig ka ni Yeye. Baka kasi may lakad lang at nagpasama kay Ria. Tawagan ko na nga lang muna." naupo muna sila ni Kim sa couch sa sala.

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon