Tumigil ako sa tapat ng pintuan niya. Pareho kong kinatok at pinindot yung bell sa pintuan niya.

Mejo matagal yung pagsagot. Ano kaya ang meron? Kaya hayaan, muntik na akong atakehin sa sobrang tagal ng pagbukas.

Malakas akong kumatok at pinindot-pindot ang bell.

"Yesss?" Sabay bukas ng isang lalaking kulay green ang mga mata.

Nakangisi siya at topless. May cross na necklace siya at naglahad siya ng kamay sakin.

"Zac."

Napalunok ako, ngayon ko lang naalala. Ito ay isa sa mga kabanda ni Wade sa Going South. "Uhmmm. Reina."

Nagkibit balikat siya.

"I know you! You're the girl from Moon Records! Yung biglang pumasok?"

Nilakihan niya pa ang bukas ng pintuan kaya mas lalo kong nakita ang katawan niya. I don't want to look.

"Who's there, Zac?" Dinig ko yung tawag ni Wade galing sa loob.

"Uh, oo. Ako yun. Uhm, nandito ba si Wade?"

"Ahh! Puro naman kayo Wade mga babae. Pwedeng ako muna?" Humalakhak si Zac sabay halukipkip sa harap ko.

Mas lalong na define ang muscles niya sa braso. Kinagat ko ang labi ko sabay tingin sa mga dala ko.

"Ako kasi yung mag de-design sa suit niya-"

"WHAT? Pwedeng ako rin, pa design?"

"ZAC! SINONG NANDYAN?" Sigaw ni Wade galing sa loob.

May nakita akong lalaking lumabas galing yata sa room kung nasaan si Wade, nakita kong may soot siyang damit at napanganga siya nang nakita ako.

"Zac, papasukin mo." Sabi nun.

"Wa'g kang makealam dito, Adam. See? She's drooling over me." Sabi ko.

"I'm n-not." Nag iwas ako ng tingin sa katawan niya.

"Sinong nandyan?" Naaninaw ko ang topless na katawan ni Wade.

MY GOD! Pinagpawisan ako ng maiinit. Kanina pa nakabalandra ang katawan nitong si Zac pero sa katawan ako ni Wade pinagpawisan ng ganito! Napanganga din siya nang nakita ako.

"It's not yet three, Reina!" Galit niyang sinabi sakin.

Napatingin ako sa relo ko. 2:15. Di ba pwedeng maaga? My gosh! Nagkamali pa yata ako.

"Come one, Wade. Don't be rude to this pretty lady. Ano naman ngayon kung maaga siya, diba? We can chitchat first hanggang mag alas tres." Sabi ni Zac.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now