Sana wa'g masiraan. Oh, well. Pinaandar ko iyon at mukha namang ayos ang tunog ng makina.

Traffic naman kaya siguro pagdating ko doon, alas tres na. Ilang sandali ang nakalipas ay nabigla ako dahil nasa tapat na ako ng Towers na tinitirhan ni Wade.

"Big time, Rivas." Bulong ko sa sarili ko.

Papasok na ako sa underground parking nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Reina!" Pambungad ni Liam.

"Yes?"

"Ugh! Kakagising ko lang. Ang sakit ng ulo ko. Ikaw? Kanina ka pa gising? May hang over yata ako."

Humalakhak ako, "Oo. Lasing na lasing ka kagabi."

"Wala nga akong maalala eh. Ewan ko." Tumawa siya.

"Naku! Uminom ka na lang ng mainit na sabaw para bumuti pakiramdam mo..."

"Puntahan mo naman ako dito sa bahay. Ipagluto mo ako, pretty please?" Malambing niyang sinabi.

"Ha? Eh... Papunta ako dito kina Wade."

"Ha? Bakit?"

"Diba, gagawan ko siya ng suit."

"Matatagalan ka ba diyan?"

"Hindi naman. Siguro mga 30 minutes. Tapos pupunta pa ako sa opisina nina Hugo sa Makati para ibigay sa kanya itong portfolio."

"Talaga? Ginamit mo yung sasakyan mo?"

"Oo."

"Bakit di mo sinabi!? Sana ako yung nag drive. O etong sasakyan ko ang gamitin natin. Matagal na yang di nagagamit ang sayo, baka masiraan yan."

"Hindi. Okay lang naman siya."

Nag break ako kasi nakahanap na ng parking space.

"Talaga? Itext mo ako pagkatapos diyan ah?"

"Okay... Pahinga ka na lang muna. May hang over ka pa eh." Tumawa ako.

"Okay, I love you, baby."

Natigilan ako sa sinabi niya. I know he's affectionate. Ito ang unang pagkakataong sinabi niya ito sakin. Siguro ay narinig niya so Noah, Rozen o di kaya ay si Coreen na nagsasabi sakin nito.

"I love you, din." Sagot ko sabay putol ng linya.

Huminga ako ng malalim bago pinulot ang mga gamit ko sa tabing upuan. I'm sure he wasn't serious about that.

Pinilig ko ang ulo ko. I'm sure wala lang yun, diba? Okay. Lumabas ako ng sasakyan ko at nagmadali ng pumunta sa elevator.

Pinindot ko ang pinakahuling floor bago yung helipad sa taas ng building. Nang nakarating na ako sa floor na yun, nanginginig na naman ang buong sistema ko. Nararamdaman ko na ang presensya ni Wade kahit konting lakad pa bago makarating sa unit niya.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon