Ara: "Okay lang. Di na lang muna ako magttrain bukas."

Ria: "Ano ka ba? We have a lifetime for moments like this.."

Ara: "I know.. but.. a"

Ria: "No buts please. Ayokong mapabayaan mo ang career mo."

Ara: she kissed my hair, letting out a heavy sigh. "Thank you.."

Ria: "Let's go?"

Ara: inabot ang dadalhin kong duffel bag at hinawakan ang kamay ko. "Tara"

Si Ara ang nagdrive. Sa mga ganitong oras, ramdam na ramdam ko na mahal niya talaga ako, though I sometimes hope that she doesn't do this out of guilt. Pinanghahawakan ko na lang ang mga sinabi niyang ako pa rin ang pipiliin niya kahit anong mangyari.

11pm na nang dumating kami sa bahay niya. Unexpectedly gising pa ang tatlo at dito na lang din daw muna matutulog si Mela.

Ara's POV

Kadarating lang namin sa bahay at di ko inaasahang gising pa silang apat. 11pm na kasi. Hindi ko ma explain ang feelings ko ngayon towards sa nangyari samin ni Ria kanina. Hindi naman sa 1st time naming gawin 'yon, pero yung feeling na, parang na release ko dun lahat ng sakit na nararamdaman ko at napa feel kay Ria na mahal na mahal ko din siya. Hindi rin naman na dun ko lang maparamdam na mahal ko siya, pero iba eh. Parang yung moment na yun ang naging hudyat para pakawalan ko na lahat ng nararamdaman ko para kay Mika. Siguro din dahil sa sinabi ni Ate Kim kaya natauhan ako. I lost Mika a long time ago, alam ko yun. At natanggap ko na yun. But this time, hindi na pwedeng mawala pa si Ria. The only girl who stood by me kahit pa alam niyang mahal ko pa si Mika. At nasa marrying age na ngayon ang girlfriend ko, someday she might want a man in her life, maybe matatanggap ko rin naman yun. But not now. I need her. Di pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Ate Kim. Wag naman po sana.. Especially not to Clyde.

Kim: "Oh? San kayo nanggaling?"

Ara: "Kumuha si Ria ng gamit sa condo niya kaya medyo natagalan kami. Hi, FO! You staying for the night?"

Nandito kami ngayon sa poolside. Ipinatong ko muna sa vacant na chair ang bag ni Ria bago naupo sa tabi niya at ni FO. Nasa harap namin si Mika at Clyde. Nagsindi ako ng yosi.

Mela: "Pwedeng for the rest of my life?"

Ara: "Aba! Pwedeng pwede. Kung willing ka namang maglaba at mamalantsa eh, welcome na welcome ka dito.."

Tumawa kaming lahat.

Mela: "Ang sama mo FO! Hahaha. Swerte niyo naman ni Kimmy kung ganito ka ganda ang magiging maid niyo."

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang