Chapter 5 - Lulu

4 0 0
                                    

Ang aga ko na naman dumating. 7:30 pa naman simula ng klase, matutulog muna ako dito. 6:30 pa lang naman kasi nandito na ko sa classroom. Natrauma na kasi ako nung isang beses na na-late ako. Hindi ako nakapag-take ng quiz nun kasi hindi na nagpapapasok yung prof ko 15 minutes after ng scheduled time. E 25 minutes akong late that time kaya wala na akong nagawa. Di pa naman nagbibigay ng special quizzes or exams yung prof ko na yun. Dahil sa pangyayaring yun, kahit gaano pa ko kapuyat (o kahit walang tulog) kailangan ko na gumising lagi ng alas-kwatro ng madaling araw para 5:30 nakaalis na ko. Isang oras kasi ang biyahe ko, minsan higit pa depende sa traffic.

Dahil wala pa naman akong ibang kaklase at tahimik pa ang paligid, naisipan kong umidlip muna. Mga ilang minuto pa lang siguro nung pumikit ako, may narinig akong yabag ng paa. Kaklase ko lang naman siguro yan. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko.

Pero maya maya lang, may narinig na ko na tumutugtog ng gitara na sinasabayan ng pagkanta.

(True by Ryan Cabrera)

I've waited all my life
To cross this line
To the only thing that's true
So I will not hide
It's time to try anything
To be with you
All my life I've waited
This is true

Ang ganda ng boses nung lalaking kumakanta. Parang anghel lang. Nagkunwari na lang akong tulog at nakinig na lang sa mala-anghel na boses ng kumakanta baka kasi pag gumising ako, itigil niya yung pagkanta niya e. Para akong hinehele pero sa halip na makatulog ako, lalong nagising ang diwa ko. Para bang inaaya ako ng boses niya na makinig lang sa kanta niya. Nakakahumaling talaga. Tapos natapos na yung kanta.

May mga ilan pa akong mga kaklase na dumating na. Nagpatuloy na lang ako sa pagtulog ko makabawi man lang kahit konti sa pagkapuyat ko (na kasalanan ko din naman).

Nagising na lang ako nang maramdaman ko na may tumatapik sa akin.

"Lulu, gising na. Parating na daw si sir." pangi-gising ni Emma sa akin.

"Bakit ba parang napuyat ka yata? Ano pa bang ginawa mo kagabi nung makauwi kami?" tanong ni Emma sa akin.

"Nanood ng fave tv series ko. Malapit na season finale e." sagot ko sa kanya.

"Teen Wolf na naman? Nagpakabaliw ka na naman kay Tyler Posey? Haynako. Kaya lumalalim na yang eyebags mo. Tingnan mo o." inabutan niya ko ng compact mirror. Huhu ang lala na ng eyebags ko. Pero sanay naman na ako e. Basta para kay Tyler Posey okay lang sa akin. And in fairness! Ang cute cute ni TPose sa music video ni Halsey na Colors.

[*AN: try listening to Colors by Halsey if you haven't heard it yet. It's such a good song ;) ]

"Goodmorning class!" bati ni Sir Perez, professor namin sa accounting. Nagsibalikan naman sa kanya-kanyang pwesto ang mga kaklase ko.

"May pina-assignment ako sa inyo diba?" tanong ni sir sa klase.

"Huh? Meron ba?" classmate no.1
"Talaga ba?" classmate no.2
"Hala! Hindi ko alam!" classmate no.3

"Ilabas niyo na yung assignments niyo. Check-an muna natin before we proceed to the next lesson. 4 days ang bakasyon kaya walang dahilan para hindi ninyo magawa ang assignment na 'yan. Pass it forward then to the aisle. May kukunin lang ako sa faculty room" sabi ni sir.

Kinuha ko na lang yung akin. Kaso nung hinahanap ko na sa bag ko, hindi ko na makita.

"Nasa'n na ba yun?" Kinakabahan na ko siomai! Pinagpuyatan ko yun tapos mawawala lang. Huhuhuhu di pwede to.

"Lulu" tinatawag ako ni Emma. Di ko muna siya pinansin. Kailangan kong mahanap yung assignment ko. Panghatak din ng grades yun. Kailangan ko pa naman itaas yung grades ko para ma-retain yung scholarship.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Mar 23, 2016 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Drawn To YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant