Chapter 4 - Lulu

4 0 0
                                    

Nang matapos kaming magmerienda, sa sala na kami nag-stay. Medyo maliit din kasi yung kwarto ko para sa apat na tao kaya I've decided na sa sala na lang kami.

Habang kumokopya ng assignment si Emma, itong si bakulaw kalaro na ang kapatid ko. At ang pinaglalaruan nila?

Barbie dolls! Bading ba tong si bakulaw? Parang wala naman sa itsura niya na badng siya. Well, sa panahon ngayon, mahirap na rin sabihin kung sinong bading sa hindi e.

Bumulong ako kay Emma. "Bading ba siya?"

"Ewan ko lang. Wala naman sa itsura niya na bading siya. Tanong kaya natin?" bulong pabalik ni Emma sa akin. Pipigilan ko sana siya kaso bago ko pa siya mapigil, nagsalita na si Emma.

"Oy Alexis! Bading ka ba?" tanong ni Emma. Napaka-direct-to-the-point talaga nitong babaeng to.

"Hindi." Maikling sagot ni bakulaw.

"E bakit ka naglalaro ng barbie dolls? Pambabae yan diba?" sabi ni Emma.

"Anong masama sa paglalaro ng Barbie? May ate ako, siya lang ang kalaro ko nung bata pa ako. Palagi niya akong sinasama na maglaro ng barbie at wala akong nakikitang masama doon. At tsaka yun ang gustong laruin ni Ellie kaya okay lang sa akin. Hindi porke naglalaro ng Barbie ang lalaki ay bading agad. Kapag ba naglaro kayong mga babae ng robot or toy cars or beyblade, sinasabihan ba kayo ng tomboy?" paliwanag naman ni bakulaw. Kung sabagay, may point siya do'n. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas ay dahil sa mga tulad namin na mapanghusga e. Sorna.

"Sorry na. Sa panahon kasi ngayon ang hirap na i-distinguish kung sino ang tunay na lalaki sa hindi. Sayang naman kasi ang genes mo kung magiging bading ka lang. Ang gwapo mo kaya. Ipamahagi mo muna yang genes mo ha? Siguradong maraming gustong magpalahi sa'yo." dire-diretsong sabi ni Emma. Grabe talaga siya magsalita.

"Kung anu-ano na pinagsasabi mo Emma. Tapusin mo na lang yang ginagawa mo okay? Kokopya na nga lang ang bagal pa." sabi ko naman kay Emma.

"Eto na po. Tatapusin na nga e." sagot ni Emma sa akin.

"Akala ko kokopya ka rin? Bakit di ka naman yata kumokopya?" tanong ko kay bakulaw

"Tapos na 'ko." sagot ni bakulaw.

"Whoa! Ang bilis mo naman magsulat." manghang sabi ko sa kanya.

"Nung thursday ko pa natapos yung akin." Huh? Ano daw?

"Nung thursday? E halos kaninang madaling araw ko na yan natapos. Pano mo yan nakopya nung thursday?"

"Nung thursday ko pa nasagutan yung homework." ah?

"E bakit ka pala nandito kung tapos ka naman na pala sa homework?" nakakapagtaka naman. Di naman kami close.

"Wala lang." sagot niya.

"Wala lang? Wala ka bang kaibigan?" tanong ko sa kanya.

"Meron naman." sagot ni bakulaw.

"Marami yang friends. Barkada niya kaya yung gwapong si Nate tsaka yung crush kong si Bryan!" sabat naman ni Emma sa usapan.

"Bryan?" Sinong bryan kaya? Madalas kasi yung surname lang ng mga kaklase namin ang naaalala ko. Free section kasi kami ni Emma, palipat-lipat ng section kaya hindi ko na matandaan mga pangalan nila.

"Yung kaklase natin sa Finance! Yung matangkad na lalaki sa likod ko kapag Finance." Ah kaya pala prim and proper 'tong kaibigan ko kapag Finance subject na namin e. Andun pala nakaupo sa likod niya yung crush niyang si Bryan. E teka, akala ko ba Simon pangalan ng crush nito? Hala ang daming crush ng babae na 'to e.

Biglang baling ko naman kay bakulaw. May mga kaibigan naman pala siya, bakit di na lang siya sa kanila sumama? At in fairness, grupo ng mga gwapo ang mga yon.

Drawn To YouWhere stories live. Discover now