Chapter 2 - Emma

2 0 0
                                    

Haruuuu nagugutom na ako. Alam ko kasi na may pagkain dito kaya 'di na 'ko kumain bago pumunta dito. Bakit ba kasi ang tagal bumalik ni Lulu? Gutom na talaga akoooooo!

Nakakainip. Tapos itong kasama ko hindi pa umiimik. Sabi niya kokopya siya ng assignment pero hindi naman siya kumokopya. Tumitingin lang siya sa mga pictures na nasa ibabaw ng cabinet ni Lulu.

"Oy Alexis!" tinawag ko siya. Ay grabe siya o. Di man lang ako nilingon.

"Alexis!" Isa pang tawag ko sa kanya.

"Huh? Bakit?" kaya naman pala di ako marinig, may nakasalpak naman palang earphones sa tenga.

"Kanina pa kita tinatawag e. Akala ko ba kokopya ka din ng assignment? Di ka naman kumokopya e. Kanina ka pang nakatingin d'yan sa mga pictures ni Lulu." May pagnanasa kaya 'to kay Lulu? Hala siya!

"Ah e tapos na kasi ako."

"Tapos ka na? E hindi nga kita nakitang sinilip man lang 'tong papel." Weirdo yata 'tong kausap ko.

"Tapos ko na yung akin." Nilabas niya yung worksheet niya. At tapos na nga siya.

"Tapos ka na pala e. Bakit sabi mo kokopya ka?" ang gulo din ng taong 'to e.

"Wala lang." Ang tipid sumagot

"Wala lang?" Wala lang? Anong trip ng taong 'to?

Ay teka! Kaibigan niya nga pala yung crush ko!

"Alexis, diba kaibigan mo si Bryan? *heart eyes*"

"Oo." Ang tipid naman talaga sumagot

"Edi close kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Ooooh ang ikli nya talaga sumagot

"Uhmm... ano... kasi..." Nahihiya ako hihihi

"May girlfriend na yun." Walang ka-emo-emosyon niyang sinabi sa akin. Aray naman fre. Di ko naman tinanong yun a. Ang sakit naman niya magsalita huhuhu

"Di ko naman tinanong kung may girlfriend siya a!"

"Halata sa mukha mo na may gusto ka sa kanya." Obvious ba talaga masyado. Huhuhu wala na pala akong pag-asa kay Bryan. Hanggang sa pagtingin-tingin na lang sa malayo ang pwede kong gawin. Ang shakit shakit naman o!

*tok tok tok*

"Ate Em, Kuya Pogi, baba na daw po kayo. Kain daw po muna sabi po ni ate." Sabi ng kapatid ni Lulu

"Bakit siya Kuya Pogi tawag mo, bakit sa akin Ate Em lang?" Kakikita niya lang kay Alexis, Kuya Pogi na agad.

"Gusto niyo rin po ba na Pogi po ang itawag ko po sainyo?" Pilosopo din minsan itong kapatid ni Lulu e.

"Hindi. Sige na. Bababa na kami at nagugutom na rin naman ako." Ito na ang pinakahihintay ko! Ang kumain! Masarap kasi magluto ang mommy ni Lulu e. Lalo na yung carbonara! Yun talaga yung pinaka favorite kong niluluto ni Tita Eloi. Kaya kapag pupunta ako dito kina Lulu, laging carbonara ang hinahanda ni tita.

Drawn To YouWhere stories live. Discover now