Chapter 11: Friends' Role

21 2 1
                                    

Irish's POV



"Pano?"
"Anong ginawa nya sayo?"
"Kailan pa?"
"Bakit?"
"Final answer?"





"Eto namang mga to. Kala mo mga imbestigador na nag iimbestiga sa isang malalang kaso. Pero infairness, ang ganda nang dim light effect. Hahahaha---"






Natigilan ako sa pagtawa kasi hinataw ni Chloe nang malakas yung lamesa, "Sagutin mo muna yung tanong namin."





Nakaupo ako sa dining table at tinatanong nila yung tungkol samin ni Ace.





"Una, sabi nya mahal nya ako at tinanong nya kung pwede nya ako maging girlfriend. Pangalawa, wala syang ginawang masama at hindi ako buntis ha. Nag moment lang kami. Pangatlo, kanina lang. Pangapat, pag nagmahal kailangan may dahilan? Hindi ba pwedeng nakaramdam lang ng spark at na-fall ng di oras? At panglima, Yes is my final answer."





"Okay." Sabay sabay na sabi nila at umalis na sa harap ko at binuksan na nila yung iba pang mga ilaw at kung ano-ano nang ginawa nila na parang walang nangyare.





Baliw talaga tong mga kaibigan ko. Pero kahit ganun, mahal mahal ko yang mga yan. Alam ko namang ginagawa lang nila to dahil gusto nila ako maging safe at maging masaya.


Sa kabilang banda....
Ace's POV


"Congrats bro! Cheers!" Nagkaroon kami nang maliit na celebration dito sa villa namin. Nag pa-order kami nang beers at pulutan, syempre libre ko.





"Thanks brothers." At tinaas ko ang baso ko. Sobrang na-appreciate ko yung friendship namin. Parang mag kakapatid talaga kami.





"Teka, teka. Bakit nung si Raven yung nag ka-girlfriend nag celebrate tayo bakit ako nung naging kami ni Clara walang celebration." Reklamo ni Mac.






"Ehh bakit? Ililibre mo ba kami?" Tanong ni Ethan.


"Hinde."


"Hahahahaha!!!" We all laughed.



*diiinnnggg dddooonnnggg*






"Ohhh anong ginagawa nyo dito? Bakit parang kulang kayo?" Rinig ko na bungad ni Karlo kung sino man yung nasa labas sya kasi yung lagi naming inuutusan na mag bukas nang pinto kaya nag kukusa na sya minsan.







"Karlo sino yan?" Sigaw ko. Kasi sinungitan nya agad siguro di nya trip yung nasa labas baka pangit.





"Pasok daw kayo." Sabi nya sa mga nasa labas at sila Jenica pala inaantay ko na pumasok yung isa sa kanila pero walang pumasok.




"Pwede ba namin makausap si Raven sandali?" Tanong ni Liz.





"Labas muna tayo mga bro." Sabi ni Ethan at nag beso kay Liz ganun din ang ginawa ng mga kaibigan ko sa mga girlfriend nila.





"Ahhh Ethan, puntahan nyo muna si Zandria sa villa namin. Wala syang kasama dun." Lumabas si Ethan dala yung beers.





"Hoy!! Wag nyo lasingin yun ha! Pag may nangyare dun, patay kayo sakin!" Sigaw ko. Nung makalabas na sila pinagalitan ko sila Liz.



"Bakit nyo iniwan yun mag isa?!"






"Hindi nya alam na pumunta kami dito. Actually, ayaw nyang makausap ka namin kasi alam nyang baliw kami at gagawin namin kahit ano para sa kanya. Tsaka sandali lang naman kami. Mag tatanong lang kami nang konti."








Trust Me...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon