Napatingin ako kay King kaso wala na siya at umaankas na sa motor niya. May something kay heart na biglang sumaya dahil sa nalaman. Kunwari pa talaga itong si King eh! In denial!

Bago siya humarurot paalis ay umangkas na rin ako sa motor nya na ikinagulat niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at ipinatong ang ulo ko sa likod niya.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko at alam kong nararamdaman niya rin ito. Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko ngayon. Hope everything will stay like this.

***

Nagulat ako nang hindi ako hinatid pauwi ni King. Grabe talaga! Ang sama-sama niya! Arghhh..

Alam niyo ba kung nasaan kami ngayon? Andito sa condo niya! Ngayon ko lang rin nalaman na may sarili pala siyang condo unit!

"Woahh! Ang sosyal naman dito King!" manghang sabi ko.

Bigla siyang matalim na tumingin sa akin. "Don't call me King outside of school yeowang. It's Keifer"

Nag-form ng 'oh' ang bibig ko at tumango. Keifer. King. Wang. Hehe, nagfu-flutter na naman si heart at the thought na tatawagin ko siya sa totoo niyang pangalan.

"May deal ako! Tatawagin lang kitang 'Keifer' kung tatawagin mo akong 'Janine'" nakangiti kong sabi sa kanya.

Bigla siyang napatigil at umiling na lang bigla. Abaa! Ang unfair naman nun!

"Ayaw mo? Edi tatawagin kitang KING. KING!! KING! KI--"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Medyo naasar na yung mukha niya. "Fine. Just..shut up" sabi niya.

Tinanggal na nya ang kamay niya sa bibig ko at nagsimula na ulit maglakad. Hehe. Ang galing galing ko talaga.

Pumasok na siya sa elevator at nakasunod naman ako.

Pinundot nya ang 26th floor at naramdaman ko naman ang pag-akyat ng elevator.

Maya-maya ay nasa loob na kami ng condo unit niya at grabe! Ang engrande naman. Pinakamalaki ata ang condo niya kaysa sa iba eh. Mukha kang nasa mansion!

"Kuya!!" May sumalubong sa aming isang cute na batang lalake. Omo! Kapatid niya?

"Pinsan ko yan" tugon ni King na para bang alam kung anong iniisip ko. Psychic siya?

"Ang cute niya naman!" sabi ko at biglang kinurot-kurot ang pisngi ng batang lalake. "Hey ouch! Get your hands off, lady!" masungit na sabi ng bata habang pinapalo ang kamay ko.

Gosh. Ang sungit grabe. Mana sa pinsan.

Binehlatan ko siya pero inirapan niya lang ako. Mas childish pa ata ako kaysa sa kanya eh.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon