[25] - B e l i e v e

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yarumi-"

"Ah.. ano.. hindi mo naman kailangan sagutin. Alam ko naman kasing awkward na babae ang kailangan pa mag confess saka in the first place, butler mo lang ako."

Hindi din ako nakasagot sa kanya pero nanatili siyang nakasandal sa likod. It's time for moving on. Mas magiging tanga lang ako kung iiwanan ko ang sarili ko sa nakaraan. Shan Trixy Mae Ferrer, she will never comeback. She's gone forever.

Huminto na ako sa pag ba-bike at hindi padin siya makatingin sakin. Hindi ko din naman siya magawang tingnan. Ugh, ang awkward.

"Do you want to eat?" simpleng tanong ko sa kanya, please pumayag ka bakekang.

"Let's go!!" sigaw niya, sabi na nga ba never siya tumanggi sa pagkain. May isang malaking Cafeteria kasi akong napansin kanina.

Dire-diretso siya sa Cafeteria, bale kami lang yung tao karamihan kasi ng mga tao nasa labas nag p-picnic. Di naman kasi kami prepared mag cutting.

"HELLO MS. THEA!" tapos nakipag beso beso siya sa matandang babae.

Siniko naman niya ako bigla tss. "Hello po." saka ako nag bow dun sa matandang babae.

"Boyfriend mo ba Yumi?" agad naman kaming napaubo at nakita ko siyang namula. Sasagot na sana ako kaso naunahan niya ako.

"Naku Ms. Thea naman! Hindi po, siya po yung nakwento ko sa inyo na amo ko." na flattered naman ako bigla ha, kinukwento niya din pala ako sa ibang tao.

"Ahh, yan ba hija yung sinasabi mong masama ang ugali mong amo? Naku hijo, hindi naman halata sa mukha mo pero kahit amo ka niya dapat maging mabait ka. Mga kabataan nga naman ngayon." agad na nanlaki ang mata ko at si Yarumi nagtago sa likod nung matanda.

Binabawi ko na yung pagka flattered ko walanghiyang babae na 'to. "Ah.."

Na speechless naman ako bigla pero hinila na ako ni Yarumi para maupo. Yung matandang babae naman dumiretso sa kusina.

"Wala kang sweldo ngayon buwan."

"DRAY NAMAN!"

"Just kidding." sinamaan naman niya ako ng tingin tapos biglang nag faker laugh.

"Natawa ako sa joke mo. Super, try mo kaya mag audition sa pagiging joker?" wika niya na may halong pang-aasar.\

"Oh siya mga bata ito na ang pagkain. Kumain kayo ng mabuti ha." inilagay naman nung matanda ang adobo, sinigang, fish fillet, chicken curry tapos watermelon.

"I'll eat well, Ms. Thea!" sigaw niya at nagsimula na kumain.

Nagsimula na din naman ako kumain at di na kami nag imikan dahil parehas kaming gutom. Itinira namin yung watermelon para huling kainin.

"Oh, masustansya yang watermelon."

"Ayoko. Ikaw na lang kumain."

"Ang arte ah." saka niya binawi yung watermelon. Tss.

"Akin na nga, kakainin ko." nagtaka naman siya bigla pero nagkibit balikat na lang siya.

Sinimulan kong kainin ang watermelon. Bahala na, hindi talaga ako masyadong kumakain ng watermelon dahil sa tuwing kakain ako nagtatae ako. Bahala na basta para kay Yarumi gagawin ko na lang.

Ang bilis yata ng reaction ng watermelon sakin ngayon ah, nakakaramdam na ako ng sakit ng tiyan.

"Dray? What's with your face?" tanong niya sakin.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon