Chapter 3: As Hot as Coffee

3.2K 18 0
                                    

Risse's POV

Isang linggo 'kong puyat dahil sa kahihiyang ginawa ni BL, stands for Buwisit Lord. Nakakabuwisit kasi s'ya. Hindi dahil sa meron ako last week pero...basta! Naiirita 'ko sa kanya. Nang dahil sa kanya, inatake na naman ako ng pagka-paranoid na baka hanggang ngayon iniisip pa rin ng mga kaklase ko yung nangyari last week. 'Errrrr!'

Bumangon ako ng 6:40am.

"OH MY GOSH! LATE NA 'KO!!" Agad akong tumakbo para magluto ng almusal sa kusina.

Leche. Ito ang mahirap pag wala kang ibang kasama sa bahay. Wala kang ibang aasahan sa gawaing bahay kundi ang sarili mo.

'Maybe I should hire a maid.' Sa isip ko.

"F*ck?! Walang coffee?!" Inis na inis akong sumubo ng kinakain ko habang naghahanap ng kape para itimpla, pero wala. WALA!

'UGGH!'

Halos ilang minuto lang ang itinagal ko sa banyo para maligo at agad na nagbihis.
Agad na 'kong tumakbo papuntang school na hindi kalayuan sa village namin.

'Sana naman hindi ko nakalimutang mag underwear.' Sa isip ko.

Pagdating sa school ay agad akong tumakbo papuntang classroom ko.

'Oh, great! Sa third floor ang room ko.' Sarkastikong sabi ko sa isip ko.

Pagdating sa room ay nadatnan ko ang kadarating pa lang na professor ko sa Math na may isinusulat sa white board.

Tiningnan n'ya lang ako pagpasok at itinuloy ang pagsulat.

"Uy, friend! Late ka na ah? Anyare?"

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Rhina na nakaupo sa tapat ko at inilabas ko agad ang binder ko para mag take ng notes.

Habang nagd-discuss si Ma'am Tiburcio sa unahan ay hindi ko maiwasang mapapikit.
Bukod sa nakakaantok 'yung subject n'ya at pati ang teaching strategy n'ya, ay puyat na puyat ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bahagyang nakatulog na habang nakapangalumbaba sa arm rest ng upuan.

"As I was saying, there are four types of Permutation that will be enumerated by Ms. Mendoza."

Nagising ang diwa ko nang makita ko si Mrs. Tiburcio sa harapan ko na nakapamaywang.

"M--ma'am?" Nauutal kong sabi.

'Gosh, nakita n'ya ba 'kong natutulog?'

"Ayan," tumalikod s'ya sa'kin at bumalik na sa unahan. "Ayan ang nangyayari pag natutulog kayo sa klase ko." Agad naman akong napatungo sa isa na namang kahihiyan.

"Okay, maybe we can continue our topic tomorrow. You may go to your next subject."

Nagsilabasan na ang iba kong kaklase.

"Risse, una na 'ko ah? Kita tayo later." Nagpaalam na sa'kin si Rhina na mauuna na habang naghahanda na 'kong umalis.

"Ms. Mendoza, I want to talk to you. At the faculty room."

Aapela pa sana 'ko pero huli na nang makalabas na s'ya ng room.

May ilan-ilan na lang ang naiwan sa room na mukha namang walang pake sa'kin kaya lumabas na rin ako para sumunod sa kanya.

"Hala kaaaa." Biglang kumulo 'yung dugo ko nang marinig ko yung pang-iinsulto ni BL sa likuran ko.

At dahil wala 'kong gana, inirapan ko na lang s'ya.

'Hah! Babawian kitang unggoy ka.' Pagbabanta ko.

*Faculty Office*

"May problema ka ba, Ms. Mendoza? Pansin kong ilang araw ka nang nagkakaganyan sa klase ko ah?" Kalmado pero halatang beastmode na sabi ni Ma'am Tiburcio.

Sex and Breakfast [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon