Ang Bali-Balita

6K 214 3
                                    

Sa bayan ng Kalinong, lumipad ang balitang maraming pamilya na ang nawasak ng tinatawag na Kamandag Gang Rapist. Pito ang orihina na mga miyembro nito.

Sabog ang mga utak dahil sa droga. Kilala silang nangingidnap ng mga batang may edad 10 pataas. Mapa-babae man ito lalaki. Hindi lang iyan dahil nilulusob din nila at pinagnanakawan ang mga bahay. Mayaman man o mahirap, wala silang takot.

Idagdag pang sa tuwing sila'y pumapasok sa isang bahay, ni-rirape at pinapatay nila ang lahat ng taong naroroon. Bata, matanda, kasambahay, lalaki o babae man, wala silang itinitira. Nakakaramdam sila ng pagnanasa, pagkasabik na mang-rape sa mga kaedaran nila pero higit ang satisfaction na nararamdaman nila kapag ang biktima ay mga bata.

Ang bayan ng Kalinong na noo'y tahimik na lugar ay nagambala nang mabalitaang isang pamilya ang minasaker at pinagnakawan. Lumabas sa pagsusuri ng mga pulis na lahat ng miyembro nito ay ni-rape muna bago binaril. Ang padre de pamilya, ina, panganay na anak na babae at lalaki ay kanilang ginahasa. Ngunit, isang batang nasa sampung taong gulang pataas ang hindi natagpuan sa bahay na iyon.

Ang bata ay magpa-hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng pulisya ang bangkay. Ayon pa sa pagsisiyasat ng mga pulis, ang mga salarin ay miyembro ng Kamandag Gang Rapist. Sila ay dayo sa lugar ng Kalinong at pinanghihinalaang lumipat mula sa bayan ng Kamaynilaan patungo sa bayan ng Kabisayaan upang maghasik ng kanilang kasamaan.

Kaya, ang buong residente ay pinatawag ng Kapitan upang bigyan ng babala ang lahat. Hinihikayat ang lahat na mas maagang umuwi sa kani-kanilang bahay ang mga bata upang hindi mabiktima. Sinabihan din silang isarado ang lahat ng pintuang maaring pasukan ng mga magnanakaw o mga akyat bahay lalong-lalo na ang tinatawag na Kamandag Gang Rapist.

Ang Kamandag Gang Rapist ay may kanya-kanyang tattoo at pigura ng iba't ibang uri ng makamandag na hayop partikular na ang ahas. Wala pang nakakakita sa kanila dahil sumasalakay sila sa tuwing hatinggabi maliban na lamang sa kanilang biktima.

Nang araw ding iyon ng pagpupulong, isang tao ang nakikinig. May bahid ng galit, poot at paghihiganti ang mukha. Gustong-gusto niyang tugisin ang mga taong iyon - ang Kamandag Gang Rapist. Wala siyang iiwan ng kahit na ano mang finger prints sa kanyang gagawing pagpaslang.

Ang kailangan niya lang gawin ay magmanman at makiramdam sa buong Kalinong. Aabangan niya ang paglitaw ng mga taong magbabayad sa kanya ng malaking utang. Utang na buhay ang magiging kapalit. Iisa-isahin nila silang lahat. Sisiguraduhin niyang matutunton niya ang bawat miyembro ng Kamandag Gang Rapist at magsisisi sila sa kanyang gagawin.

Pagkalipas ng isang buwan, isang batang babaeng nagngangalang Lumen ang nawawala. Huling namataan ang batang naglalaro sa kalye bago ang alas singko ng hapon. Isang bata rin ang nakakitang may malaking lalaki ang kumuha sa kanya. Binigyan ng pagkain at sinabihang hinahanap siya ng kanyang magulang na taliwas sa sinabi nito dahil ang kanyang magulang nang mga oras na iyon ay walang alam na nasa kalye ang bata.

Hindi ka magtatagumpay kay Lumen! Humanda ka dahil ikaw ang una kong magiging biktima!

The SlayerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt