Seventeen

43.7K 936 42
                                    

Chapter Seventeen

ARKISHA'S POV

"You're still here?" tanong ko kay Adam nang madatnan ko siya sa bahay habang nagluluto. "And you're cooking obviously," dagdag ko.

Hindi siya sumagot at talagang hindi ako pinapansin ha!

"Eto na ang patatas," biglang sumulpot si Ian. Hinarap ko si Ian.

"Ahhh, culinary arts na pala ang course mo? Akala ko kasi Nursing eh," sabi ko sa kanya.

"Bakit ang aga mong dumating?" tanong niya sa akin at iniabot niya kay Adam ang hawak niyang patatas.

"Bakit hindi ka pumasok? Alam mo bang hinintay ka ni Ellaine. Tsaka bakit ba nandito pa yan?" turo ko kay Adam na busy sa pagluluto. Ni hindi nga ako tinatapunan ng tingin eh.

"Bahay niya din to eh," sagot ni Ian. "Bakit nga ang aga mo umuwi?"

"Namimiss niya kasi ako," sagot ni Adam. Sinulyapan niya ako at ngumiti tapos humarap na ulit sa niluluto niya.

Binalingan ko ng tingin si Ian at nahuli ko siyang panay ang ngiti. Dapat talaga hindi nagsasama sa iisang bubong ang dalawang ito. Tinalikuran ko silang dalawa at umakyat sa kwarto ng kambal.

Namimiss niya kasi ako.

I miss him. I miss the old Adam.

(Flashback I)

2 YEARS AGO...

Itinulak ko si Adam matapos niya akong halikan sa labi, pababa sa leeg. Bigla kasing pumasok sa kwarto si Madison dala dala ang laruan niyang manika sa kaliwang kamay at hawak naman sa kabila ang naputol na braso ng manika.

"Look Daddy, wala na siyang arm," at lumapit si Madison kay Adam sa kama.

Tiningnan naman ni Adam ang manika at inayos niya ito.

"See? Your doll looks good as new. Now go ahead, maglaro ka na sa kwarto mo," taboy ni Adam sa bata. Tinitingnan ko lang silang dalawa.

"No. I want to play here. I want to play with you and Mommy."

Hay, kung alam lang ng batang 'to na naglalaro na kami ni Adam kanina at hindi siya pwedeng sumali.

"You can't play here."

"Go to your room now, Madi," utos ko.

She nodded. Tumalikod na siya at naglakad palabas ng kwarto. Humarap sa akin si Adam.

"Where were we?"

Before I answered his question I asked him first to lock the door.

**

"Basta Daddy, doon ako matutulog sa room ni Tito Ian ha," paalala ni Landon while we our on our way sa probinsya.

"What? Okay. Then I will sleep at Mommy and Daddy's room," singit ni Madison.

"No. You can't sleep in our room Madi," sagot ni Adam and he winked at me. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at ibinalik na niya ang focus niya sa pagmamaneho.

"I'll ask Ian to sleep in your room na lang at iyon ay kung papayag siya. Binata na si Tito Ian nyo."

"Ako din malaki na," sagot ni Landon.

Sinalubong agad kami ni Mama pagdating namin. Kasama niyang naghihintay si Ian. Tumakbo agad dito si Landon.

"Hello there pretty girl," bati ni Jam kay Madison. Si Madi talaga una niyang binati, hindi ako. Aliw na aliw talaga siya sa bunso ko. Ang ganda raw eh. Sabi ko naman syempre kanino pa ba magmamana? Eh di sa Mommy. Si Jam talaga. Nagtaka pa!

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon