Chapter 8

47 6 7
                                    

Gwapong Multo's Pov

Binuksan ko yung mata ko. Bakit parang pakiramdam ko...galing ako sa mahabang tulog?

Pinagmasdan ko yung kwarto.

' Bakit nasa ospital ako? '

May nakita akong babae sa gilid ng kama ko.Umiiyak siya at sinabing :

" Please gumising kana..."

' Bakit siya umiiyak eh gising nako? '

Umiyak lang siya ng umiyak at pinagmasdan ko lang siya.Noong paalis na siya.I tried to reach for her hand, but unfortunately i failed.

Why did i FAILED?

I'ts because...tumagos lang ang kamay ko sa kamay niya.

From there, wala na akong nagawa dahil sa sobrang gulat.

~~ 1 month later...

Hello! Ako nga pala si...ay basta! Ako nalang si GWAPO. Flashback ko yung binasa niyo. So yeah, spirito ako.

Dati ko pa trina try na bumalik sa katawan ko, pero ayaw eh! Kaya tinamad ako at lumibot nalang.

Napadpad ako sa isang skul, hindi ko alam kung anong school eh. Mag gagabi na at napaisip naman ako :

" Aba, bakit wala akong nakikitang multo? Eh spirito din naman ako "

Nilibot ko yung skul at napadpad sa TLE room. Nakakita ako ng isang babaeng nagrereklamo.

"Dapat ngayon may gwapo nang tutulong sa akin eh, pero bakit wala!"

Pagkatapos non ay naglinis ulit siya.

' Pfft! Ansaya naman niyang panoorin '

Natuwa ako sa panonood sa kanya kaya nung paalis na siya, sinabi ko sa isip ko :

" Wala namang masama kung tatakutin ko siya diba? Hindi naman niya ako makikita "

Yan yung inisip ko...at nagkamali ako kasi, nakakakita siya ng mga spirito!

" Hoy miss, may third eye kaba? "

" Anong ibig mong sabihin? " tumulo pawis niya at parang naguguluhan siya.

Sasagot na sana ako pero nakita ko yung oras kaya umalis na ako. 6:00 na, at kapag ganyan na yung oras, bumabalik na ako sa ospital.

~~ospital

Hinanap ko yung room ko, kung nasaan katawan ko. Huminga ako ng malalim at humiga sa sarili ko.

* A MOMENT OF SILENCE *

Napabugtong hininga ako.

' Kailan ba ako pwedeng bumalik sa katawan ko? Ano ba dahilan bakit hindi pa ako kinukuha ni Lord? '

Tumayo na ako at lumibot nanaman at sinabing :

" This is the worst, wala man lang akong maalala. Pati pangalan ko hindi ko na alam eh "

~~~

I Fell in love with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon