Chapter 7

71 6 14
                                    

Amy's Pov

Binisita ko yung kaibigan ng mama ko.Mukhang mahina na si Tita.Naawa ako sa kanya kasi palagi siyang walang kasama, pamilya ko lang nagbabantay sa kanya, kaya binibisita ko araw araw.Marami rami rin kaming napag uusapan.

Hanggang sa tuluyan akong nacurious at sinabing :

" Umm, pwede po bang magtanong?"

" Oo naman iha "

" Kilala niyo ba po yung lalaki sa tabi ng room niyo? Diba po matagal na kayo dito..."

" Pasensiya na pero hindi ko siya kakilala. Pero ang alam ko lang, dinala siya sa ospital kasi--

Hindi natuloy sasabihin niya kasi dumating yung nurse.

Umalis na ako sa loob ng kwarto at nagpaalam na, na uuwi nako. Sumilip ako sa kwarto ni Leo.Kasama niya sila Tita at Tito, yung parents niya.

' Grabe, mukhang masama lagay niya. '

Naglakas loob ako at pumasok sa kwarto niya. Natutulog pa siya at nagulat naman yung pamilya niya at napatingin sakin.

" Uh, hello po Tita " nahihiya kong sabi.

" Huh? Amy? Bakit ka nandito??"

" May dinalaw lang po kasi ako.Bakit po na ospital si Leo?"

" Kasi amy...kasi * sob sob * "

Hindi nakayanan ng mama niya ang hindi umiyak. Pinatahan siya ng asawa nito.

" Iha, naaksidente si Leo kasama nung kaibigan niya at nung bata..."

Sinabi rin nila sa akin na madalang nalang itong nakakapag pahinga.Kapag natutulog nalang daw siya nakakabawi.

Bumukas yung pinto at nakita namin yung nurse kasama yung doctor.Lumabas muna kami ng papa ni Leo, para makausap ng mama niya yung dalawa.

" Alam mo iha...simula noong nagising si Leo, wala na siyang ibang ginawa kung hindi sisihin ang sarili niya sa nangyari."

" Ano po ba yung nangyari?"

" Sinasabi niya lang sa amin ng Tita mo palagi, siya raw ang may kasalanan kung bakit...namatay si Wendy at kung bakit rin naaksidente yung kaibigan niya."

Curious ako kung sino yung kaibigan niya at si Wendy, kaya tatanungin ko na sana siya pero...napigilan ko sarili ko ngayon.Alam ko na masakit para sa tatay ni Leo yung pagsabi niya sa akin ng lahat.

Bago ako umalis, ang huling sinabi nila sa akin ay :

" Sana matulungan mo yung anak namin "

~~
Sasakay na sana ako ng elevator kaso biglang :

" Uwa! Ano ginagawa mo diyan?! Bakit iba iba lokasyon mo?! "

Napatawa si gwapong multo sa akin habang pumasok na ako sa loob.

" Wala akong permanent location kasi gwapo ako " sabay pose pa nito.

" Bakit kaba nasa ospital?" nagtatakang tanong ko

" Isn't it obvious? " sabay taas kilay niyo.

" Malamang nandito ako para subukan kung pwede na akong bumalik sa katawan ko! " Bumukas pinto nung elevator at nakatunganga lang ako.Di pa na proprocess ng utak ko lahat.

" Sige bye Miss " umalis na si gwapong multo.

* Silence... *

" AAAAA!! ARE YOU KIDDING ME?!"

' NANDITO SA OSPITAL YUNG KATAWAN NI POGI?! SO HINDI PA SIYA TALAGA PATAY?? OMAMAMIA! '

~~~
To be Continued...

I Fell in love with a GhostWhere stories live. Discover now