Sofia's Pov
March 25, 2004
Tumatakbo ako ngayon sa kakahuyan na sa tingin ko na sa tingin ko ay walang hanggan. Bakit? Para matakasan ko ang mapanakit kong esposo. hindi ko na kasi masikmura ang mga kababuyang ginagawa niya sakin. Matapos nya akong pangakuan ng maginhawang buhay, Matapos kong iwan ang mga taong kumupkop at nagbigay sakin ng pangalawang buhay at higit sa lahat Matapos kong ibigay ang sarili ko sa kanya ng buo ay heto ako ngayon tinatakasan ang kamatayan ako. anu bang pagkukulang ko't para magkaganto ang sitwasyon ng buhay ko?
FLASHBACK
Naririnig ko ang usapan nila MD at Melody sa telepono. Iisang linya lamang kasi ang gamit namin pero may 2 telepono na nakakonekta doon. "Babe miss na miss na kita kelan ba akong pwedeng pumunta dyan sa bahay mo? sabik na sabik nakong makita kang muli"? ani ni melody. Tama nga ang hinala ko siya ang kinakalantari ng aking asawa. At sa aking pagkakaalam ay nagkaroon sila ng relasyon mula ng ika-1 taon naming anibersariyong kasal. Ang gagaling nila hindi ba?
"Miss na miss narin kita Babe! kung pwede nga lang ehh liparin ko mula Tacloban hanggang Makati ehh gagawin ko makapiling lamang kita" Punong puno ng emosyon at pagkasabik ang tono ng aking esposo na sya namang nagpasikip sa aking dibdib. Habang naririnig ang kanilang matamis na konbersasiyo ay hindi ko napigilang humikbi at narinig iyon sa kabilang linya.
"Babe umiiyak ka ba"? tanong ni melody sa aking kabiyak Hindi bakit? tanong ng aking asawa. Nakarinig kasi ako ng pag hikbi nakakatakot babe sagot naman ni melody. Sandali lang baka nakikinig si Sofia sa ating paguusap.
At wala pang minuto ay natunton ako ng aking asawa na nakikinig sa kanilang konbersasiyon. Galit na galit ang kanyang itsura na maiihalintulad ko sa isang leon na handa nang lumapa ng kanyang biktima.
"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA HUWAG NA HUWAG KANG MAKIKIALAM NG TELEPONO HABANG MAY KAUSAP AKO SA KABILANG LINYA HA!!!!!!!" Galit na turan ng aking asawa sabay sakal sa aking leeg at pinandilatan ako ng nanlilisik niyang mga mata.
Bakit para hindi ko malaman ang mga kababuyan niyo ng iyong Kerida!!? turan ko habang hirap huminga at nag iipon ng hangin.
SINVERGUENZA!!!!!! sabay sampal sa aking pisngi na siyang kinapula nito at dahil sa puwersa ay napadapa ako. Di pako nakakabalikwas ay hinila niya ang buhok ko papuntang bartolina at Pinagsusuntok, Minaltrato hinagupit niya ako ng kanyang Sinturon.
Yan ang nararapat sa katulad mong walang silbi at Hampaslupa Dyan kalang hangga't hindi ko binubuksan ang pinto MAGDUSA KA PWE!!!!!. At kinandado niya ang pinto at nilisan akong umiiyak at nagdurusa
KINABUKASAN
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jerson Marco matalik na kaibigan ni MD.
Nang naming pagkikita ay nailang ako sa kanya sapagka't nagtapat siya na nararamdaman niya para sakin. Ngunit tinanggihan ko ito sapagka't ako ay kasal na at nangako sa Diyos na buong puso kong mamahalin ang aking kabiyak. Nalaman ni Michael ang sinabi sakin ni jerson kaya binantaan niya ito na layuan ako o kung hindi ay kakalimutan niyang may pinagsamahan sila.
END OF FLASHBACK
BANG...
Lalo akong nagmadali dahil nakarinig nako ng putok ng baril. DIYOS KO PO! Alam kong mula iyon sa aking kabiyak. Nakakita kasi ako ng 45 caliber na baril sa kanyang kabinet ng ako'y naglilinis ng aming bahay at pamilyar din ako sa tunog ng baril sapagka't ganun na ganon ang tunog ng baril ng aking lolo nasi Tatay Virgilio.
At nang may naaninag akong liwanag ay dagli akong pumunta doon ngunit laking takot ko dahil nasa dulo na pala ako ng kakahuyan at dagat na ang nasa baba nito. Naabutan ako ng aking kabiyak at malaking ngisi ang gumuhit sa kanyang mukha habang tinutok sakin ang kanyang baril,
Wala ka nang kawala Sofia HAHAHAHAHA!!!. Tumawa siya na parang wala ng bukas, Sinubukan kong agawin ang baril sa kanya ngunit ako ay bigo
BANG!!!
Natamaan ako sa aking kaliwang balikat, matapos niya akong makitang duguan ay sinipa niya ako para mahulog nako sa dagat. Paalam mahal kong Sofia Hanggang sa susunod na buhay muli, Tumawa ng Pagak ang aking esposo at nilisan na ang bangin.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako sa isang Kuwarto kung saan maganda ang mga Muwebles, Nagamot narin ang aking sugat sa balikat at may benda ang aking ulo.
Dumating ang isang estrangherong lalaki na sa tantiya ko ay kasing edad ko lamang. Pero aking napagtanto na siya ay aking palang kakilala.
Jerson? Agad ko siyang niyakap habang umiiyak.
Huwag kang mag alala Sofia Pangako kong ilalayo na kita kay Drake at hindi kita pababayaan turan ni Jerson habang hinahaplos ang aking buhok.
Tumango na lamang ako tanda ng aking pagsang-ayon
BABALIKAN KO ANG MGA NANAKIT AT UMALIPUSTA SA AKIN!!!
IHANDA NINYO ANG ANG INYONG MGA SARILI SAPAGKA'T IBANG SOFIA NA ANG MAKAKAHARAP NINYO LALO KANA MICHAEL DRAKE BONCONOVITCH!!!
KAMU SEDANG MEMBACA
Better Than Revenge
Fiksi UmumSofia Estanislao, Isang Babaeng filipina, Payak ang pamumuhay na kinahulihan ay pinaiyak, pinaasa at inalipusta. Ngunit ng malaman ang tunay na estado ng buhay ay bumangon at ginayak ang sarili. Anu-ano kaya ang kanyang ginawang mga preparasyon par...
