Loveable-One Shot

59 3 1
                                    

"Hannah paki-print"

"Hannah pakidala sa conference room yung report ko."

"Hannah ipa-take out mo ko ng Starbucks."

"Hannah tawagan mo yung clients from Singapore."

"Hannah naiwan ko yung jacket sa kotse. Kunin mo."

Grabe talaga ang boss ko, iilan lang yan sa mga madalas na pinapautos sa kin, sa totoo lang pasado na akong maging girlfriend niya. Actually over-qualified na! Ako naman mula 7 am hanggang sa 5pm siya rin bukang bibig ko.

"Sir Anton, na-print ko na po"

"Sir Anton nasa conference room na po yung report niyo. Check niyo na po."

"Sir Anton nandito na po yung Starbucks."

"Sir Anton nandito na po ako sa NAIA Terminal 3, kasama ko na po yung mga clients from Singapore."

"Sir Anton, napa-laundry ko na po yung jacket niyo."

Hay naku kung alam niyo lang, parang hindi work ang dating pag nasa office ako. Habang nagrereklamo ang mga kaibigan ko about sa work nila. Ako wala akong reklamo! Duh! Choosey pa ba ako? Naka aircon mula 7 am hanggang 5 pm, masaya naman kasama yung mga ka-officemates ko (sila Cara at Michelle), tapos napaka-gwapo ni Sir Anton! Kaya kahit wala akong boyfriend, okay lang kung siya naman ang nakikita ko! No problem! :)

PS: Di ako inlove kay Sir Anton, naiinspire lang ako! :) Kumabaga crush lang!

----------------

Lunch Break

"Hannah may girlfriend kaya si Sir?" tanong ni Cara habang kumakaen kami sa canteen.

"Di ko alam, tiyaka nakakahiya magtanong eh." sagot ko. Napaisip nga ako, may girlfriend kaya siya? Kase kung meron man, naku baka mapa-away ako, imagine parang ako lang ata ang "babaeng kaibigan" niya. Pag nag-oovertime kame, sakin siya nag-vevent out, kapag pumalpak yung deal, kapag nakuha niya yung kliyente, ililibre agad ako ng pagkain. Pag kinukwento ko sa mga kaibigan ko ang aking "Sir Anton". Dalawa lang ang naiisip nila :)

"Baka naman type ka niya talaga, torpe lang siya!"

"Baka naman friendly lang!"

Ayoko naman maging feelingera o assumera, binabasura ko agad yung idea na torpe na siya, medyo agree pa ako sa friendly".

__________

Afternoon

Umuwi na sila Cara at Michelle, pati ang ibang mga ka-officemates ko, ako naman mag-oovertime kasama sila Wendy, Charlie (manliligaw ni Wendy) at si ----Sir Anton.

"Wendy i-email mo sa aking yung revisions ng mga architects."

"Charlie, ipasa mo sakin tonight, yung compilations ng mga taga-Accounting."

Agad agad naman bumalik sila Wendy at Charlie sa kanilang mga pwesto. Habang ako nag-aantay ng ipapagawa saken. Masyado kase nagmamadali yung bumili ng lote dun sa Rizal. Okay 10 seconds wala paren siyang pinapagawa saken, ako na lang mag-aalok ng gagawin.

"Sir ipapagtimpla ko po kayo ng coffee."

"Wag-----pumunta ka ng Flower Plus, mag-order ka ng bouquet." sabi nito

"Sige po sir"

______________

Sa wakas nakarating na ako sa Flower Plus, tinawagan ko si Sir Anton, di niya sinabi kanina kung ano ang bibilhin ko.

"Hello sir Anton ano pong klaseng mga flowers, yung bibilhin ko?" tanong ko.

"Kahit ano, basta ikaw ang mamili, wala akong alam sa flowers." sagot nito.

Okay ako ang mamimili, 3 daisies, 3 marigolds, 3 stargazer lilies at 3 white roses. Baka para sa kliyente niya to na galing pang Singapore, sosyal ah babae siguro. Tumawag uli ako para sabihin ang mga napli ko.

"Okay na yang mga napili mo, lagyan mo ng card."

"Okay po sir ano po ang isusulat ko?" tanong ko sa kanya sa phone.

Sa kabilang linya itong sagot niya.....

"Isulat mo to..

Thank you for everything, you are the best

Hannah Dy"

Napatigil ako "Hannah Dy"? Pangalan ko yan ah! Para saken?

"Can you be my girlfriend?

from: Sir Anton <3"

(A/N: First time kong magsulat ng one-shot na happy ending at medyo light  :))

Random Love Stories-One Shot CollectionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora