Good Friends-One Shot

94 2 0
                                    

"Girlfriend ka ba niya?" tanong ni Sallie ang chismosa sa grupo.

"Oo naman GF niya ako, as in G-ood F-riend!" paliwanag ko sa kanila.

"Eh siya, boyfriend mo ba siya?" tanong uli ni Sallie.

"Oo BF ko yaaan!" sagot ko.

"B-igote F-riend niya ako!" sagot ni Ian kay Sallie.

Normal na talaga kameng mapagkamalan na "in a relationship". Kahit na hindi ko naman talaga naka in-a-relationship si Ian.  Gaya ng sabi ko, GF niya ako as in "Good Friends". Nakilala ko si Ian sa trabaho dito sa isang NGO. Mga social workers kase kame, tumutulong pag may bagyo, may sakit, at lagi nandyan para sa serbisyong bayan. Sa totoo lang hindi lang ang bayan ang tinutulungan ko.

Kahit siya...

"Shirley di na naman ako natanggap sa auditions." malungkot na balita nito.

"May next time pa." sagot ko.

Napataas ang kilay ng mga chismosang boss namen. Lagi talaga nilang binibigyang malisya ang friendship namen. Sabi nga ng iba, bakit di na lang daw kami na lang? Tutal e magkaibigan nga naman. Bakit di daw mauwi uwi dun sa "in a relationship" stage? Eh kasi naman, impossible yun kasi lagi siyang may nililigawang iba. Ako naman laging naghahanap ng iba.

Kumabaga pag bumibili ka sa isang department store.

"Miss may iba pa bang stock yang sapatos na yan?" tanong ko.

"Naku miss, last stock na po ito. Babalutin ko na po ba?" tanong ng saleslady.

Napabuntong hininga ako. Eh wala e last stock na e, wala na akong ibang gustong sapatos kundi yun lang.

"Sige miss, pakibalot." sagot ko.

Minsan nga sinasabihan ako ng mga kaibigan ko at mga kasamahan. Kung ituring pa daw ako ni Ian eh parang GF na talaga. Hindi Good Friend kundi Girlfriend. Di siya mag-auudition pag hindi ako manunuod ng live, magtatampo, o di kaya lahat ng klaseng hang-out inoofer niya. Movie Marathon, Triathlton, Food Trip, Road Trip at kung ano ano pa.  Ang laging reason ng pagyaya niya ay...

"Binasted kase ako, kailangan ko ng GOOD FRIEND" lagi niyang dahilan.

"at ikaw ang GOOD FRIEND ko!" dagdag niya

Minsan naman ako naman ang-iiniatiate na kausapin siya, ang dahilan ko...

"Nag-assume ako!! Akala ko siya na yun!" ngawa ko pa.

Pero ang madalas na hangout namen ay unli call. Lalo na nung pinauso ng Sun Cellular Unli 24/7. Nung isang gabi tinawagan niya ako, mga 8 times yun, pero di ko sinasagot. Bakit ko nga di sinagot? Iniisip ko kase, bakit di ko subukan yung sinasabi  Pumasok ako ng trabaho, wala namang extraordinaryong nangyayari. Iniisip ko paren, na maghanap ng ibang lalake. Kalimutan ang ideyang level up after Good Friends stage. Binulabog ni Sallie ang ordinaryong araw ko sa tili niya.

"MAG-SISINGAPORE PALA SI IAN! DI MAN LANG NAGSALITA!" 

Sa sobrang gulat ko, sumugod ako sa room nila, at agad agad tinanong si Sallie.

"Kelan? Saan siya?" tanong ko.

"Ngayon ang flight niya---" di pa tapos sa pagsasalita si Sallie.

Dumiretso agad ako sa table, nakita ko ang 8 missed calls, 11 text messages sa cellphone ko.Kahapon pa ang lahat ng yun.

"Pwede ba tayo mag-usap? After work?" 6:30 pm

"Ui! Reply back pag pwede? Ano na? Starbucks tayo??" 6:45pm

" Tsss..libre mo ko..wala akong pang dinner." 7:00pm

"Ui!! nasaan ka ba?? Naghihintay ako sa Starbucks."  7:15 pm

"May sasabihin ako sayo....umalis na ako ng Starbucks..nasa Megamall na ako. Doon na lang tayo magkita." 8:00pm

"Nag-dinner na ako...at nag-sine..nasaan ka na ba??" 8:30 pm

"Magsasara na yung Mega, sa studio nila Kaka na lang tayo. 10 pm kita tayo." 9:00pm

"Na kila Kaka na ako..kelangan nating mag-usap.Pag di ka paren sumagot. FO na tayo! Friendship Over." 10 pm.

"Okay 12 na, wala paren. Di ko alam, kung bakit di ka nagrereply, sa kahit na anong text o tawag ko. 7 am ang flight ko sa Singapore bukas. Kung gusto mo pa akong makita. Puntahan mo ko. Kase may sasabihin ako sayo.

Mahal Kita."

Random Love Stories-One Shot CollectionWhere stories live. Discover now