CHAPTER 15- One Rainy Day

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hoy Nami! bakit hindi ka nasagot?! wag mong sabihing tinulugan mo ako! gago ka gumising ka na! 7:00 na, 8:00 pa ang pasok mo ah!!!"

grabe namang manigaw to! ansakit sa tenga..tsk..eh sa nadidistract ako eh! ikaw din naman ang may kasalanan! bakit mo pinabibilis ang tibok ng puso kong peste ka! -_-

"Gising ako! nakakatamad ka lang kausapin..tss..sige maliligo na ako..bye.."

"Oi Nam--"  end call ko na nga

I can't take this anymore parang ayoko muna syang kausapin. Naalala ko lang yung kahihiyang ginawa ko kagabi. Isa pa, sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Ang ewan..hindi ko maintindihan..may sakit na ba ako sa puso?! wag naman sana..

.

.

Pagkatapos kong maligo at magbihis..kinuha ko na yung bag ko.. 7:30 palang pero aalis na ako, tatakasan ko yung driver ni Bryle! eh ayoko sumakay sa kotse eh! ayoko talaga! Belat siya.

.

.

Nakasakay na ako ngayon sa jeep, isang sakay lang naman kasi papunta sa skul.. Pero 7:45 am na, wala parin ako sa school. Medyo malapit na naman ako, medyo kaya ng lakarin kaso naulan eh, kaya hindi ako makababa sa jeep..tsk.. Traffic kasi eh..may nagbanggaan daw..amps..baka malate pa ako..

.

.

7:50 am..waaaah..10 minutes nlng..tsk..malelate ako! Hindi pwede!! 

"Manong bababa na po ako!" sinigaw ko dun sa driver nung jeep at bumaba na ako..eh kesa naman malate ako..may payong naman ako eh..isa pa di naman ganun kalakas yung ulan eh..

Kaya ayun..

*takbo *takbo *tak--

Napatigil ako..Nakita ko kasi yung isang batang pulubi na natakbo din sa ulanan....wala siyang payong! may hawak lang siyang karton..nakakaawa,,we are heading on opposite directions kaya naman hindi ko siya maisusukob..pero hindi ko naman maatim na mabasa siya ng sobra,, kaya naman hinabol ko siya..

Sa wakas naabutan ko din..

"Ah bata, sayo na lang tong payong ko oh.."

"Pero ate mababasa ka po..ayos lang po ako.."

"Hindi..baka magkasakit ka. Okay lang talaga. Malapit na naman yung school ko dito eh.. eh ikaw? wala kang masisilungan diba? maghahanap ka pa..kaya kuhanin mo na tong payong huh?! sige na"

"Si-sige na nga po ate..salamat po talaga :)" 

Pagkabigay ko nung payong ayun todo takbo na ako..malayo layo pa ng konti ang tatakbuhin ko..aw, basang basa na ako neto for sure! bahala na..atleast natulungan ko yung bata :)

*takbo *tak--

*beep *beep

Biglang may kotseng tumigil sa tabi ko..napatigil tuloy ako

Bumukas yung pinto..

"Ms. Nami! pumasok ka na bilis!"  ah si Tommy to ah!

"Pero basa ak--"

"Pumasok ka na lang! magkakasakit ka niyan eh.." kaya ayun pumasok na ako sa kotse nya..dun ako nakaupo sa unahan katabi niya..nakakahiya naman..basa ako eh..mababasa yung upuan ng kotse niya..

"Sorry huh..nakakahiya naman..mababasa pa tong upuan ng sasakyan mo. Malapit na naman eh..dapat hindi mo na ako sinakay." nahihiya kasi talaga ako

"Anu ka ba?! Inintindi mo pa talaga yang upuan ng sasakyan ko..eh ikaw nga dyan ang basang basa sa ulan. Buti na lang nakita kita..grabe ka..magtatakbo ba naman sa ulanan.."

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon