Chapter 1: Bad morning

98 5 0
                                    


"CJ!! Bilisan mo na may nagaantay sayo sa baba!!" Sigaw ni ate na nasa tapat ng pinto ng kwarto ko

Hay nako kahit kailan talaga!!!

"Oo na!!" Sigaw ko maya maya,nawala na ang ingay sa tapat ng kwarto ko,

Buwisit kasi yung lalaking yun!! Natutulog pa yung tao eh tsaka mas prefer ko kayang pumasok ng late sa klase isa pa transferee lang din naman ako este KAMI oo KAMI kasama yung lalaking nag-aantay sa'kin sa baba tsaka kung bakit ako bwisit na bwisit ngayong umaga eh natutulog pa ako at himbing na himbing pa ako tapos bigla namang pumasok yung lalaking yun sa kwarto ko tapos buhusan ba nman ako ng tubig kaya napabalikwas ako agad para nga akong nag ice bucket eh tapos ayun!!! Hindi lang ako ang basa kundi pati kamA ko

Kaasar yung lalaking yun!! Argh!!!

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko bumaba na ako at nakita ko ang lalaking gustong gusto kong











Itapon at isalvage!!!!!

At ang bwisit ngiting aso!!!

Seriously?? May gana pa talaga siyang ngumiti ng ganyan??

"Good morning CJ!!" Sabi niya habang nakangiting aso

"Che!! Walang good sa morning!! Ang sabihin mo BAD MORNING!? PATING!! Tsaka pwede ba!! Huwag kang ngumiti diyan!! Ang pamgit mong ngumiti!!!" sigaw ko "sus!! Ang sabihin mo nag gagawapuhan ka lang sa'kin!! Cge na sabihin mo na CJ cge na uy CJ cge na",pangungulit niya habang kinikulbit niya ako

"Manahimik ka diyan!! Batuhin kita diyan ng sapatos ko eh"

"Ang pangit naman ng sapatos mo kasing pangit ng nagsusuot" sabi niya at dahil nainis ako akmang ikukuha ko na yung sapatos ko pero agad siyang kumaripas ng takbo papunta sa likod ni ate

"CJ!! Ano nanaman ba yan??!" Sigaw ni ate sa'kin "eh kasi siya eh iniinis nanaman ako Ate kanina lang binu----" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi biglang

"Ate,Kain na po tayo gutom na ako eh" sabi nung pating

Aba't walangya!!! Meron nman siyang bahay ah bakit hindi na lang siya kumain doon??

"Hoy!!!! Pating ka!! Aba't walangya ka talaga!! Feel at home ka dito!!! Bwisit ka!!! Dito ka pa talaga kakain!!" Sigaw ko sakanya

"Pake mo ba??! Eh sa gusto ko eh tsaka ikaw lang naman ang hindi nagwewelcome sa'kin eh tanging si ate Clarisse lang at si kuya Claude" sabi niya sabay punta sa dining at sumandok ng pagkain

"Kasi ang kapal ng mukha mo!!" Sigaw ko tapos punta rin ng dining sabay sandok na rin ng pagkain

"Etong mukhang to?? (Sabay turo sa mukha niya) makapal?? Sa gwapo kong to?? Oh c'mon CJ nanglalabo na ata mata mo" sabi niya sabay subo ng pagkain

Kapal talaga!!

"Ang kapal na nga mahangin pa!!!" Sabi ko

Susubo na sana ako pero naudlot dahil sa g*g*ng lalaking to

"Hoy CJ!!" Sabi niya "Ano??!" Sigaw ko kainis naman eh isusubo na lang naudlot pa andun na eh

.
."wala!! Ang panget mo!!" Sabi niya sabay subo ng kanin na may hotdog

"Aba!! Nagsaalita ang gwapo!!" Sabi ko

"Naman!!" Sagot niya

Makakain na nga!!!! Sana hindi na maudlot

Sandok ng pagkain

Nganga

Susubo

"CJ tara na!!" Sabi niya sabay tayo

My Enemy is My Secret Admirer? [ON-HOLD]Where stories live. Discover now