THIRTY - The Chase.

436 8 2
                                    

Forgot to post the Chapter 30 last night, sobrang busy kasi sa schoolworks eh, sorry guys! Pero eto pang-bawi ko sa inyong lahat, mahaba 'tong update na 'to. Thank you for waiting! Mwa! xx


P.S: May forever nga ba o wala?



-----



{THIRTY}



Still Hunter's POV.



"...Napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akiiin! Hapdi at kirot ang dulot sa'king damdamin, di ko kayang mabuhay sa mundo kung mawawala ka sa piling kooo!"



Pinilit kong buksan ang mga mata ko nang marinig ko ang ingay dito sa loob ng kwarto ko. Umupo ako mula sa kinahihigaan ko at doon ko nakita si Blue na kumakanta with matching actions pa. Kupal na lalaking 'to, alam niya nang puyat ako eh!



"Hoy lumabas ka nga dito sa kwarto ko!" saway ko sa kanya pero hindi pa din siya nagpaawat, "Blue, isa! Isusumbong kita sa girlfriend mo at nang makipag-break na sayo yun!"



Tumigil naman siya at parang baklang inikot ang mga mata sa akin, "Sus, bitter mo, paps."



"Anong bitter? Hindi 'no."



"De-deny pa eh." Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako, "Alam mo paps, ikain mo na lang yan. Tsaka maligo ka muna bago ka lumabas ng kwarto mo ah? Hindi ko alam kung saang kanal ka lumusot kagabi eh."



"Tarantado!" hinampas ko siya sa braso niya at pareho kaming natawa, "Anong oras na ba?"



"Oras na para balikan mo si Zaree doon sa Manila." Kinotongan ko naman siya kaya umayos na siya ng sagot, "Deh, ala-dos na ng hapon at ilang oras na lang ay magsisimula na ang birthday celebration ni Tita Krish kaya mag-ayos ka na ng sarili mo."



Napabangon naman ako agad ng sabihin niya yon at agad na dumeretso sa banyo. Ganon ba ako katagal natulog? Hay.



**



"Happy birthday, Tita Krish!" bati ni Troy kay Mama sabay abot ng regalo neto sa kanya.



"Thank you, Troy!" kinuha naman nito ang paper bag na inabot sa kanya kanina, "Teka lang, mukhang alam ko na kung ano 'to ah!"

Loving You From AfarWhere stories live. Discover now