THREE - Report Card.

598 10 1
                                    

Hello everyone! Kung nabasa niyo nga yung last chapter na in-update ko, natukoy ko yung about dun sa webpage na ginawa ko for my stories diba? Good news! Na-edit ko na siya kahapon and you can freely visit the website! Just click the external link below to automatically direct you on the page, okay? Thank you so much!

P.S: Someone's coming to town! Happy holidays, everyone! Enjoy your christmas break with your family! ;)


-----



{THREE}



"Teh, tulungan mo naman ako i-solve 'tong number one! Ang hirap!" hinarap naman sa akin ni Sandy yung papel niya.



"Ganito lang yan oh." Kinuha ko naman yon at pinakita ko sa kanya kung paano i-solve yung equation sa number one.



Math time kasi namin ngayon at kasalukyan kaming gumagawa ng activity. Sanay kasi si Sir na after niyang mag-discuss ay magbibigay siya ng activity para malaman kung may natutunan ba kami sa kanya or wala.



Binalik ko naman kay Sandy ang papel niya at hinayaan na siyang sagutan ang iba pang numbers.



*tok.tok.tok.*



Napalingon naman kaming lahat sa teacher namin ng may kumatok sa pintuan. Agad naman siyang tumayo at pumunta doon.



"Ms. Salameda?" napalingon naman ako sa teacher ko ng tawagin niya ako.



"Yes po?"



"The principal wants to talk to you."



Nakaramdam ako ng kaba mula sa dibdib ko. Bakit kaya niya ako gustong makausap? Tatanggalin niya na ba ang scholarship ko? Huhuhu, wag naman sana.



"Sir, paano po itong seatwork ko?"



"Tapos ka na ba dyan?"



"Malapit na ho."



"Pwede mo naman ituloy yan mamaya pagkabalik mo. Sige na, kailangan ka na makausap ng principal."



Tumango naman ako at inayos ang gamit ko. Napalingon naman sa akin yung dalawa kong kaibigan.

Loving You From AfarWhere stories live. Discover now