Chapter 13- Tenderheartedly Rude

Start from the beginning
                                    


"Guys! My place later huh! I'm having a party that you'll surely enjoy" Pag-imbita sa amin ni Prince.

"kids party ba yan?" pagpilosopo ni Shane, matagal na din tong nagaasaran si Shane at Prince, lakas ang chemistry nila ah. Haha.

" just shut up babe! Just wait till tonight, you're going to have the best night of your life" sabi ni Prince. Ayan na naman sila.

" it might be the worse you should say" tugon ni Shane.

"hay! Naku! Tapusin na muna natin an gating report, tska na natin yan pag-usapan" pag awat ni Anne sa dalawa.

"hayaan mo nalang sila Anne, nagkakadevelopan lang yan" sabi ko naman

"never in a million years na magkakagusto ako sa kumag na to, #never talaga!" pagtutol ni Shane sa aking sinabi.

" at sino naman magkakagusto sayo? Abir" tugon ni Prince kay Shane

"The more you hate, the more you love. Alam nyu ba ang adage na iyon?" pagsingit ko.


Nagsitawanan nalng kaming lahat, natapos din an gaming report. At napagisipan na din naming kumain.


"best anong sayo? Dating gawi?" tanong sa akin ni Andrew.


Natural talagang mabait si Andrew, lalo na sa akin. Lagi siyang concen ayaw ko man bigyan ng malisya ngunit pumapasok pa rin sa aking isipan. Simulang naging magkaibigan kami ay hindi ko itong nakita o nalamang nagkaGirlfriend ito ganun din ako at hindi rin pumapasok sa isipan ko to, hindi ako bakla wala lang sa isip ko ang mga bagay na ito. Maraming nagka Crush sa kanya ngunit hindi niya ito pinapansin.


" sige best! Ito oh" sabi ko sabay abot ng pera.

"hoy! ito pambayad ko oh?" dagdag ko, tumayo lang kasi ito at hindi tinanggap ang pera ko.

" akala ko ba dating gawi best?" sabi ni Andrew, Ahay! Manlilibre na naman siya.

" naku hindi, kakasweldo ko lang sa tutorial class ko oh, ako naman ang manlilibre sayu."sabi ko.

"dating gawi nga di ba? Itago mo na yan" sabi nito. Tigas talaga ng ulo ng best friend ko na to.


4:45

Sa wakas natapos na din ang report. Uwian na, kailangan pa naming mag prepare para sa birthday ni Prince. Pool party kasi ang birthday ni Prince kaya simple lang ang damit. Sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa ang parents nito kaya Malaya siyang nagagawa ang gusto niya.


"Ano best sunduin kita mamaya para sabay na tayo pumunta kina Prince" sabi sa akin ni Andrew.

"sige! Total ikaw din naman ang may sasakyan" tugon ko. Sobra pa ako sa babae kung tratuhin ni Andrew ewn ko sa ugok na to. Pinababayaan ko na lang siya sa mga gusto niyang gawin.

"sige, daan nalang ako sa inyo, una na ako best" pagpaalam nito sa akin.

"best teka lang may itatanong lang ako" pagpigil ko rito, masyado na akong curious sa kanyang mga akto, kailangan ko itong kumpirmahin.

"ano yon best, may problema ba?" tanong niya sa akin.

" Bakit ka ganyan sa akin, dalawang taonka nang nagtitiis sa akin ni hindi kitang nakitang nagka GirlFriend eh hindi naman tayo nagtatago ng mga lihim." sabi ko sa kanya.

" best? tumingin ka sa mga mata ko. Anong nakikita mo?" tanong nito sa akin sabay hawak sa aking mga balikat.

"wala! ahh. mga mata mo syempre! ano ba? yan ba sagot mo sa tanong ko?" sagot ko sa tanong niya. Ano ba tong pinagsasabi ng kumag na to.

" best! If i could give you one thing in Life, i would give you the ability to see yourself through my eyes, only then would you realize how special you are to me" sabi nito sa akin. at bigla nalang itong tumakbo paalis. 


Nang makaalis na si Andrew tinungo ko sa din ang paaralan ng kambal upang sila ay sunduin. Ang labo naman ng kumag na yon. Ewan ko sa kanya, bahala siya sa buhay niya. Tiningnan ko ang aking relo, naku! 5:35 na. Kanina pa siguro naghihintay ang kambal sa akin, dali-dali akong naglakad medyo may kalayuan kasi.

Pagdating ko sa paaralan tinungo ko ang lugar kung saan palagng naghihintay ang aking mga kapatid. Nilibot ko na ang buong lugar ngunit wala pa rin sila. Sa hindi kalayuan, sa school canteen, ay natanaw ko silang papalabas ng pinto may kasama itong isang lalaki. Dali dali akong tumakbo papalapit dun.


" Si kuya! Bryner si kuya oh!" sabi ni Bryson sabay takbo papalapit sa akin.

"Asan ba kayu nagpupupunta, pinagpaalala niyo naman ako" sbi ko rito.


Sa di inaasahang pagkakataon si Angelo ang kasama ng kambal. Hawak hawak nito si Bryner at may dala dala itong ice cream.


"kuya..!" pagtawag Bryner sa akin, hatak hatak nito si Angelo papalapit sa amin ni Bryson

"saan ba kayo nagpupunta?" sabi ko sa kanya at hawak hawak niya si Angelo.

"grabi ka kambal naubos mo na ang ice cream mo, ang takaw mo naman" sabi nito.

"si Bryner kasi kuya nadapa kanina, ayan nagkasugat siya at ayaw niyang tumigil sa pag-iyak, buti nalang dumating si kuya Angelo napatahan niya si Bryner" sabi ni Bryson, nakatingin lang sa akin si Angelo at hindi ko rin mabasa ang mukha nito.

"Ah. Maraming salamat Angelo sa tulong" pagpasalamat k okay Angelo.

"next time, Unahin mo kapatid bago ang sarili mong kaligayahan" sabi nito sa akin, Hindi pa rin siya nagbabago he's still giving me a cold shoulder.

"pasensya na, may ginawa lang ako at hindi ko naman akalain na ganito ang aabutin ng mga kapatid ko" pagpaumanhin ko sa kanya.

"If I have little brothers, I wouldn't think of anything else but their safety" sabi nito sa akin.

"kuya magkakakilala na kayo?" pagsingit ni bryner.

"unfortunately" sabay na sabi namin ni Angelo.

"Sige, I'll go ahead, I have papers to deliver pa. So papaano mga bata next time ulit, see you around at bantayan niyo din tong kuya niyo kung saan saan pumupunta" pagpaalam ni Angelo.

"Salamat ulit kuya sa ice cream sana magkita ulit tayo" sab naman ni Bryson, at umalis na si Angelo.

"naku! Bryson, eh magpapalibre ka lang naman sa kanya eh. Hindi ba kayo magkaibigab ni Kuya Angelo kuya?" tanong sa akin ni Bryner.

"naku! Bryner mahabang kwento, uwi na muna tayo. Tara?" sabi ko nalang.


Ngayon lang kami nagkausap muli ng medyo matino malaki na ang pinagbago nito, lalong naging firm ang katawan nito hindi na siya tabachoy, buti nalang nakapasok siya sa swimming team. Okay lang kahit ganito kami naibalingko na talaga kay Andrew ang paghahanap ko ng kaibigan at may sarili na rin siyang buhay kontento na ako ngunit parang may kulang. Ewan!

====================================================================================


First Sight (boyxboy)Where stories live. Discover now