Kabanata Anim

933 34 0
                                    


Kabanata Anim

"MAGANDANG ARAW, Magandang Binibini."

Napapitlag si Jealine nang makita ang isang malaking lalaki sa labas ng kanyang inuupahang apartment. Mukha itong manggagantso o sadyang gangster wanna be sa suot nitong itim na leather jacket, may mga pilat din ito sa pisngi.

Subalit sa pagkakataong iyon, hindi na guwapong manggagantso tulad ni Jethro ang nasa harap niya kundi mukhang ibinagsak ng langit, nauna ang mukha. Namumungay din ang mga mata nitong halos kulay pula na. Amoy alak pa ang walang hiya!

Pinatapang niya ang sarili. Mabilis siyang humakbang para lagpasan ito. Sa katirikan ng araw ay lasing na kaagad ang lalaki. She wouldn't dare to think twice, kailangan niyang makalayo mula sa lalaki. She knew disaster when she saw it.

Nakatakda silang magkita ni Jethro ngayong tanghali, tuturuan daw siya nitong magskateboard. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak ng balasubas at bigla na lang nagyaya. Gusto sana niyang tanggihan ngunit lagot daw siya kapag hindi niya sinipot ang binata... at hindi rin siya puwedeng ma-late. Nakakatakot pa naman ang mukha ni Jethro kapag nagagalit ito.

"Aba! Bastos ka! Kinakausap pa kita," sigaw ng lalaki.

Hindi niya ito binigyang pansin dahil kung papansinin niya ito ay lamang itong magpapapansin.

Deredetso siyang naglakad. Mas binilisan pa niya ang lakad nang marinig ang yabag ng mga paa nitong nakasunod sa kanya. Mabilis din ang tibok ng kanyang puso na tila sumasabay sa bawat hakbang niya.

"Walang hiya! Talagang sinusubukan mo ako, malanding babae ka!"

Natigilan si Jealine. Bumangon ang galit sa kanyang sistema. Nilingon niya ang lalaking ngayon ay malapad ang ngising tagumpay. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatutok sa kanya. Nagtagumpay itong kunin ang kanyang atensiyon.

"Malandi? Kailan pa ako naging malandi? Saan mo nakuha ang ideyang iyon?" tanong niyang hindi mapigil ang buka ng kanyang bibig.

Letse lang! Ang lalaki na nga ang bastos at walang modo ngunit ito pa ang may ganang akusahan siya ng malandi.

Muling ngumisi ang lalaki at mabilis na humakbang palapit sa kanya. Huli na para umatras siya. Mahigpit nitong hawak ang kanyang braso. Lalo siyang kinilabutan nang mabatid ang mga mata nitong punong-puno ng galit at pagnanasa.

"Makinis, titikman lang naman kita. Gusto lang namang malaman kung anong lasa mo. Baka masarap ka... siguradong natikman ka na ni Jethro pero wala akong pakialam," pahayag ng lalaki.

Lalo pang umusbong ang magkahalong takot at galit sa kanyang dibdib. Nagpumiglas siya ngunit hindi nagawang makawala. Masiyadong malakas ang lalaki. Nang tangkain niyang sumigaw upang humingi ng saklolo ay kaagad nitong tinakpan ang kanyang bibig.

Naglandas ang kamay nito sa kanyang braso... marahan ang bawat haplos ng mga daliri nito. Nahigit ni Jealine ang kanyang hininga. Naunawaan niya ang ibig nitong ipahawatig.

Lalo pa siyang kinain ng takot. Natutuliro ang kanyang isip at hindi malaman ang dapat niyang gawin. Patuloy lang siya sa pagpupumiglas. Pilit niyang sinubukang kumawala pero sadya nga yatang malakas ito, isama pa ang impluwensiya ng alak.

Tuluyan nang nablangko ang kanyang isipan nang kaladkarin siya ng walang hiya. Hindi na niya namalayan nang makarating sila sa madilim at masikip na eskinita. Mabilis niyang iginala ang paningin at humanap ng paraan para makatakas... ngunit mga balde lamang ng basura ang nasa eskinitang iyon.

Napasinghap siya nang marahas na itinulak siya nito. Lumagapak ang kanyang likod sa pader. Sinimulan na rin nitong gawin ang malagim na plano.

Abot-abot ang tahip ng kanyang dibdib. Nang hatakin nito ang kanyang blouse ay bahagyang napunit ang kaliwang manggas at natanggal ang ilang butones. Mabilis na gumapang ang mga kamay nito sa kung saan-saan habang nakadagan ang katawan nito sa kanya.

Here Comes Trouble -Complete-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon