Kabanata Lima

1.1K 34 1
                                    


Kabanata Lima

MABILIS na lumipas ang mga araw. Inabala ni Jealine ang sarili sa trabaho, kahit ang gawain na hindi naman inatas sa kanya ay sinalo na rin niya huwag lamang siyang mabakante. Ayaw niyang muling makipagtitigan sa kawalan, kailangan niyang ibaling sa ibang bagay ang kanyang atensiyon.

Ayaw na niyang maisip pa si Jethro. Matapos niyang ibigay ang research paper nito ay hindi na ito nagpakita sa kanya. Hindi niya dapat ito namimiss. Hindi dapat nito binubulabog ang isip niya.

"Long week-end, anong plano n'yong dalawa? Sa Rock Zone na lang tayo this weekend nights?"

Nangunot ang noo ni Jealine matapos marinig si Celine. Naglalakad sila kasama si Jade pauwi sa kani-kaniyang bahay.

Rock Zone Bar? Iyon ang pinakasikat na bar sa Verona...

You will fall in love with me, Library Girl. And in just to weeks, you will be in Rock Zone Bar and Bistro wearing a pink micro mini skirt and high heels and you'll be singing and dancing Love Me Like You Do...

Umiling siya sa biglang naalala. There was no way in hell, no way at all, na itatapak niya ang mga paa sa lugar na iyon.

"Kayo na lang," pagkuwan ay tamad niyang sagot at nagpatiuna bago pa siya mapilit ng mga ito na sumama.

"TITA Je!" tumatakbong sigaw ng isang batang babae nang makababa si Jealine ng tricycle. Sinalubong niya ang pamangkin ng isang mahigpit na yakap... pagkuwan ay hinatak na siya nito.

"Akala ko hindi ka na uuwi, Tita," nakangusong wika ng bata.

"Hindi naman puwede iyon, Ella," tugon niya at bahagyang humalakhak. Mula nang magtrabaho siya sa Verona ay ngayon lamang siya umuwi.

Upang iwasan ang pag-gimik sa Rock Zone ay nagpasiya si Jealine na umuwi na lamang sa Cuenca, ang kanyang hometown.

Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid habang tinatahak nila ang daan patungo sa kanilang bahay. Wala pa ring pinagbago... hitik sa bunga ang iba't ibang punong kahoy at maberde pa rin ang mga bundok sa hindi kalayuan. Kinawayan niya ang bawat makasalubong. Cuenca was a small rural town at kilala ng mga taga-roon ang isa't isa.

"Jealine Andrade... tamang-tama ang dating mo. May activity ang team ngayong hapon," bati ni Evie Nolasco nang makasalubong niya ito.

Ngumiti si Jealine sa dating kaklase at ngayon ay presidente ng youth group sa kanilang lugar. Si Jealine ang dating presidente ngunit matapos makakuha ng trabaho sa Verona ay kailangan niyang iwan ang posisiyon dahil mahihirapan siyang tutukan iyon.

"Game ako d'yan," aniya. Malaki ang maitutulong niyon upang mawala sa isip niya ang bagay na tinalikuran niya sa Verona.

"Nice. Magkita na lang tayo sa headquarters mamayang ala una, ganoong oras din darating ang mga youth volunteer mula sa ibang bayan," paliwanag ni Evie. "Umiikot na sina Markie at Via para sabihan ang mga bata."

Tumango si Jealine. "So, tulad pa rin ng dati?"

Ngumisi naman si Evie, "Oo naman. See you," anito at tuluyan nang nagpaalam.

NAPASINGHAP si Jealine nang makita ang ilang mga bata na naghahabulan ngunit may gamit na skateboard. Napa-iling siya at natampal ang sariling noo.

Nagkataon lang 'yan, paalala niya sa sarili.

"Tita, puwede po ba akong sumali sa kanila?" ani Ella habang hatak nito ang laylayan ng suot niyang bestida.

Umiling siya. "Delikado ang maglaro ng skateboard."

Here Comes Trouble -Complete-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon