Chapter 29

4.4K 146 0
                                    

Bitch PoV

Kasama ko ang anak ko hinatid na sa huling hantungan ang ama at tito niya.

Tutuparin ko ang hiling mo saakin king.

Sinisugarado ko sayong papatayin ko ang gumawa nito sa inyo.

"Tahan na anak. Sigurado namang masaya na sila sa langit, wala na silang poproblemahin pa."-sabi ko kay prince

"Mom"-tawag niya saakin

"Ano yun prince?"-tanong ko sakanya

"Mommy may sekreto po ako sainyo"-sabi niya

"Hays. Ano ba iyon at hindi mo masabi saakin"- sabi ko sakanya

"Isa na ako sa mafia ngayon mommy"-sabi niya

Nanlaki ang mata ko at hindi ko napigilang masampal siya.

"Prince, inilayo kita sa mafia dahil sa nangyari noong bata ka pa, nagkaroon ka pa ng session sa psychologist para lang kalimutan yun! Tapos ano ito?? Ha!! Pumasok ka sa mafia ng walang pasabi! Paano kung mamatay ka tulad ng daddy mo! Alam mo bang delikado ang pagiging miyembro ng mafia"-sabi ko sakanya

"Mommy! Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari noon, nacurious lang ako"-sabi niya

"Curiousity kills the cat prince"-sabi ko

"Sorry mom, kung gusto mo man akong paalisin ngayon sa mafia hindi na mangyayari yun, lalo na sa nangyari ngayon. Malaki na ako mom kaya ko na ang sarili ko"-sabi niya

"Kaya mo na ang sarili mo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo sa harap ng mommy mo prince!"-sabi ko sakanya

"Mommy alam kong babalik ka na ngayon sa mafia dahil sa nangyari"-sabi niya saakin

"Babalik ako at aalis ka"-sabi ko sakanya

"No mom, ako na ang prinsipe ng mafia ngayon"-sabi niya

Sinampal ko ulit siya

"At sino nagsabi na ikaw ang prinsipe?"-sabi ko sakanya

"Si mr. Edwards ang hari ng mafiang iniwan mo ngayon"-sabi niya

Mr. Edwards?

"Ahh, kung ganon dahil ikaw na ang prinsipe hinahamon kita prince... hindi bilang isang ina kundi bilang isang miyembro ng mafia"-sabi ko

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkatakot.

Iniwan ko na siya sa sementeryo at pumunta sa bahay ni Mr. Edwards.

Hindi ko alam kung ano ang motibo niya at kinuha niya ang anak ko bilang isang prinsipe ng mafia.

"Yes ma'am?"-tanong saakin ng guard

"Nasa loob ba si Mr. Edwards?"-tanong ko.

Ngunit nag aalinlangan siyang sumagot.

Tinulak ko siya at diretsahang pumasok sa loob ng bahay ni mr. Edwards.

Nakita ko sa loob ang illegal na bentahan ng mga baril.

"Baka naman gusto niyo akong isali jan sa masayang usapan niyo"-sabi ko.

Bakas sa lahat ang pagkagulat sa mukha.

"I wan't to talk to you Mr. Edwards."-sabi ko

"Sino ka? At bakit gusto mong makausap ang amo namin"-sabi ng isang lalaki.

Bata pa ito at halatang baguhan lamg sa larangan na to.

Tinutok niya sa akin ang baril niya. Agad ko itong hinablot sa kamay niya nagpumiglas pa ito kaya naman binali ko ang buto ng isang daliri nito para bitawan ang baril.

She's Really a Bitch (BOOK 2 of TDT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon