Chapter 26: TWO KINGS

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinawakan nya ang buhok ko, pinilit ko namang tanggalin ang kamay nya pero masyado itong mahigpit. Tinakpan ko yung butas ng gripo at itinapat sa kanya, sakto naman na sa mukha nya nagsplash yung tubig.

Tumayo ang kasama nya at lumapit sa akin kaso sinipa ko agad sya kaya natumba sya. Binuksan din ni Azaleia yung ibang gripo at itinapat sa akin yung tubig kaya medyo bumabaha na dito.

Tumatama sa mukha ko yung tubig kaya hindi ako medyo makakita. Hinablot ko agad ang buhok nya at iniumpog sa lababo.

Napabitaw naman sya sa akin...

"Oh my gosh, it's blood"

Tiningnan ni Azaleia ang kamay nya na may dugo. Oh, unintentional iyon... aalis na sana ako kaso nahablot nya yung paa ko kaya napasubsob ako sa sahig.

Nahihilo ako... lumapit yung dalawa sa akin at pinagsasampal ako, wala akong magawa kundi ang iharang ang kamay ko at nang makakita ako ng opening, ikinuyom ko ang palad ko at sinuntok silang dalawa.

Dahan-dahan akong tumayo... kagagaling ko lang ng hospital mukhang babalik na naman ako.

Tumayo si Azaleia at lumapit sa akin pero dahil nga sa basa ang sahig ay nadulas sya.

Nagulat ako at napahakbang sa kanya, yung babagsakan nya kasi, yung ulo nya ay tatama sa sink at pwede nya yung ikamatay. Kaya bago pa sya bumagsak, tumakbo na ako sa kanya at itinulak sya, itinuon ko ang isang kamay ko sa lababo para hindi ako mauntog doon pero dahil sa madulas ang floor, na out of balance ako at bumagsak sa sahig.

AZALEIA POV

I am in shock sa ginawa nya. I thought sasaktan nya ako but she did the other way around. Nakahiga sya sa sahig ngayon at walang malay.

Mas lalo akong nagulat ng bumukas ang pinto at pumasok si Jireh. Agad syang lumapit sa promdi na iyon at hinawakana ng mukha.

"Panget! Panget!"

"Jireh" dahan-dahan akong lumapit sa kanya pero hinawakan nya ako sa balikat at yung kapit nyang iyon, nasasaktan ako.

Iba dina ng mga tingin nya sa akin, para syang papatay. Don't tell me na girlfriend nya talaga ang promdi na iyan.

"What did you do to her?"

"No-nothing! It was her... it's..." nanginginig na ako hindi sa lamig kundi sa takot sa kanya.

I never see him before na ganito kagalit but now... Lumapit sya kay Lyra at binuhat nya ito palabas ng CR.

"Jireh..."

"Ayoko ng makita ka na lumapit kay Lyra, naiintindihan mo? Sa oras na maulit ito, kahit kaibigan kita... hinding-hindi ako magdadalawang isip na saktan ka"

HOSPITAL

JIREH POV

"What happen?"

"I don't know... hinanap ko lang sya para magsorry kanina then someone told me na nasa CR sya. Nagtaka lang ako na ang tagal nyang lumabas kaya pumasok na ako then..."

"With Azaleia"

Napatingin ako kay Prime. Magsosorry lang naman ako kasi baka nagalit sya dahil dun sa nangyari kay Azaleia kaninang umaga but I never expect na aabot sa ganito.

"Nakakatakot talaga magselos ang mga babae"

Hindi ko na lang pinansin si Skye, lagi na lang sya napapahamak ng dahil sa akin, first sa Apostle and now kay Azaleia.

"Bakit ba ang tagal ng doctor?"

"Maiwan ka na namin dito, babalik na kami sa school"

"Teka agad-agad?" tiningnan naman ni Prime si Skye at bigla itong ngumiti. "oo nga naman, para makapagmomment kayong dalawa pag nagising na si Lyra"

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon